Forwarded from Dawrah Ibn Sīrīn (Philippines)
💎 Words of Encouragement (2) 💎
Sinabi ni Shaykh ʿAbd al-Ilāh ar-Rifāʿī حفظه الله tungkol sa Dawrah Ibn Sīrīn:
نفع الله بالشيخ عرفات المحمدي وبارك في علمه
Nawa’y pakinabangan ng Allāh (ang mga tao) sa pamamagitan ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī, at biyayaan Niya ang kanyang kaalaman.
https://t.me/alrfaee1440/804

Sa tagal na ginabayan ka ng Allāh, aking kapatid, tungo sa Salafiyyah, ano na ang naging kalagayan mo?
— Napag-aralan at naiintindihan na ba natin ang Arabic?
— Marunong na ba tayong magbasa ng Qur’ān nang may tamang Tajwīd?
— Naisaulo na ba natin, kahit man lang ang Juz ʿAmma?
— Napag-aralan at naisaulo na ba natin ang mga Aḥādīth, tulad ng 40 Nawawī?
— Napag-aralan at naisaulo na ba natin ang mga aklat sa Tawḥīd, tulad ng al-Qawāʿid al-Arbaʿ?
— Napag-aralan na ba natin, kahit man lang ang Fiqh ng Ṭahārah at Ṣalāh?
— Napag-aralan na ba natin ang Tafsīr ng Sūrah al-Fātiḥah at ng tatlong huling Sūrah?
O lumipas lamang ba ang mahabang panahon, ngunit ang kalagayan natin ngayon ay tulad pa rin ng kalagayan natin noong una tayong pumasok sa Salafiyyah?
Kaya suriin mo ang iyong sarili, iabala mo ang iyong sarili sa pagsasaliksik ng kaalaman, at ihanda mo ang iyong sarili sa pagtatagpo sa iyong Panginoon.

👍1
Mula sa payo na ibinigay sa amin ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله kahapon:
Sinuman ang makakita sa kanyang kapatid ng kakulangan, paglihis, o anumang bagay sa pagiging matatag niya, huwag siyang maging kuripot sa pagbibigay ng naṣīḥah (payo).
Sinuman ang pinayuhan, magpasalamat siya sa nagpayo, dahil hindi nagbigay ng payo ang nagpapayo maliban dahil sa pagmamahal niya sa iyo.
Kung kinamumuhian ka niya o ayaw niya sa iyo, sasabihin niya: “Hayaan siyang madagdagan ng kasamaan sa ibabaw ng kasamaan na nasa kanya. Wala akong pakialam sa kanya.”
———
✍️ Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Muḥarram 16, 1448H | July 01, 2026
📜 Dawrah Ibn Sīrīn

👍2
💎Ang Dawrah Ibn Sīrīn💎
Sa mabigat na puso, hinatid namin kagabi si Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله sa airport sa Manila.
Alḥamdulillāh, kabilang sa malalaking biyayang ipinagkaloob ng Allāh sa mga Salafī sa Pilipinas ay ang pagbisita ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله — isang bagay na sa nakaraang sampung taon ay parang panaginip lamang para sa amin.
Alḥamdulillāh, mula sa pag-aasikaso ng kanyang mga papeles sa Madīnah, hanggang sa pagbiyahe ni Shaykh habang hindi maganda ang kanyang pakiramdam, hanggang sa pagbibigay niya ng oras para sa ating lahat, at hanggang sa kanyang pagbalik — walang duda na ang lahat ng ito ay mga bagay na kinakailangang ipagpasalamat. Dapat din nating iduʿāʾ na gawin ito ng Allāh na mabigat sa timbangan ng kanyang mabubuting gawain.
At sa pagsama namin kay Shaykh sa buong Dawrah na ito, mula sa pagsundo sa kanya sa Manila hanggang sa paghatid sa kanya pabalik, wala kaming nasaksihan mula sa kanya maliban sa kabutihan.
Inaalagaan niya ang kanyang oras sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig, pagre-research, at pagsagot sa mga katanungan.
At hindi nagkulang si Shaykh sa pag-aanyaya tungo sa Tawḥīd, tungo sa Sunnah, tungo sa tamang ʿAqīdah, at sa pagbibigay ng babala laban sa anumang salungat dito.
Gayundin, nakita namin ang kanyang matinding pagnanais na pag-isahin ang pangkat ng mga Salafī, at ilayo sila sa lahat ng dahilan ng pagkakawatak-watak.
At kabilang sa mga natutunan namin kay Shaykh ay kapag may dumating na anumang salita laban sa isang Salafī, hinahanapan ito ng katibayan. Hindi tinatanggap ang mga tsismis o mga gawa-gawang bagay na walang matibay na patunay. Gayundin, natutunan namin ang pagtitimpi sa mga pag-atake ng mga mangmang, na wala namang nais kundi ang Fitnah.
Nagbigay din siya ng mga solusyon sa bawat problemang mayroon ang bawat isa sa amin, maging ito man ay personal, pampamilya, sa relihiyon, o sa Daʿwah.
Walang duda, ang mga naririnig namin noon mula sa mga kuwento tungkol kina Shaykh Rabīʿ al-Madkhalī at Shaykh ʿUbayd al-Jābirī — habang hindi namin sila naabutan — ay nakita namin ang epekto nito kay Shaykh ʿArafāt, dahil sa kanyang pag-upo at pagsama sa kanila.
Gayundin, nakita namin ang magagaang pagbibiro ni Shaykh, at ang kanyang malalim na kaalaman, lalo na pagdating sa Fiqh.
Gayundin, kabilang sa mga biyaya ang pagtitipon ng mga Salafī mula sa iba’t ibang lugar, tulad ng Cotabato, Marawi, Singapore, Indonesia, at maging France, kung saan nagbiyahe sila at nagtipon-tipon para sa kaalaman.
At isa sa mga palaging inuulit-ulit ni Shaykh ay ang pagiging abala sa pagsasaliksik ng kaalaman, pagbibigay ng Daʿwah, at pagtuturo nito sa mga tao; at ang pag-iwas sa pagsasayang ng oras sa mga tsismis at iba pang bagay na walang pakinabang.
Nawa’y gantimpalaan siya ng Allāh ng pinakamainam na gantimpala, at biyayaan pa tayo ng pagbisita ng iba pang mga Mashāyikh, upang makinabang ang mga tao mula sa Ahl al-ʿIlm.
———
✍️ Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Muḥarram 22, 1448H | July 07, 2026

❤2🤝1
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
💎Ang Dawrah Ibn Sīrīn💎 Sa mabigat na puso, hinatid namin kagabi si Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله sa airport sa Manila. Alḥamdulillāh, kabilang sa malalaking biyayang ipinagkaloob ng Allāh sa mga Salafī sa Pilipinas ay ang pagbisita ni Shaykh ʿArafāt…
❤1
Forwarded from Salafi Daʿwah Davao
📚 ONLINE CLASS PARA SA MGA BAGUHAN
🗂 Ang Pinadaling Tafsīr (Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Qurʾān)
📖 Dars #7 | Sūrah al-Kawthar
🎙 Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Mamayang 7:45PM – In Shā Allāh
📍Wisdom Islamic School, Abinsay St. Davao City
📡 LIVE sa:
🔗 t.me/SalafiDVO
🗂 Ang Pinadaling Tafsīr (Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Qurʾān)
📖 Dars #7 | Sūrah al-Kawthar
🎙 Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Mamayang 7:45PM – In Shā Allāh
📍Wisdom Islamic School, Abinsay St. Davao City
📡 LIVE sa:
🔗 t.me/SalafiDVO
Forwarded from Dawrah Ibn Sīrīn (Philippines)
📘 Dawrah Imām Ibn Sīrīn Translation
Soon, there will be live Tagalog translation for the classes, In Shā Allāh.
For those who do not have the workbook yet, you may purchase a copy so you can follow along with the lessons and take notes.
More details will be announced soon.
🔗 Updates: https://t.me/dawrahibnsirin
🛒 Purchase: https://dukkaan.store/product/dawrah-ibn-sirin-workbook/

Mula sa mga nagrekomenda kay Shaykh Rabīʿ al-Madkhalī رحمه الله:
1️⃣ Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn Bāz رحمه الله
2️⃣ Shaykh Muḥammad ibn Ṣāliḥ al-ʿUthaymīn رحمه الله
3️⃣ Shaykh Muḥammad Nāṣir ad-Dīn al-Albānī رحمه الله
4️⃣ Shaykh Muqbil al-Wādiʿī رحمه الله
5️⃣ Shaykh Aḥmad an-Najmī رحمه الله
6️⃣ Shaykh Zayd al-Madkhalī رحمه الله
7️⃣ Shaykh Ṣāliḥ al-Luḥaydān رحمه الله
8️⃣ Shaykh ʿAlī Nāṣir al-Faqīhī رحمه الله
9️⃣ Shaykh ʿUbayd al-Jābirī رحمه الله
🔟 Shaykh Ṣāliḥ al-Fawzān حفظه الله
1️⃣1️⃣ Shaykh ʿAbdulmuḥsin al-ʿAbbād حفظه الله
At marami pang iba sa mga malalaking ʿulamāʾ — ang mga pumanaw na at ang mga buhay pa.
Sapat na ito upang malaman ng isang tao ang antas ni Shaykh Rabīʿ al-Madkhalī رحمه الله.
———
✍️ Abū Mulaykah Ṭāhir Bin Mansoor
🗓 Rabīʿ al-Ākhir 25, 1447H | Oktubre 17, 2025

👍1💯1🍓1
Forwarded from Salafi Daʿwah Davao
Noong Nasa Sunnah, Hindi Aktibo; Nang Naligaw, Biglang Naging Masigasig — Shaykh Dr. ʿAbdullāh al-Bukhārī حفظه الله
https://youtube.com/shorts/pB2TcqdIDFE?si=fm3r4LPe_hjyWacl
https://www.facebook.com/share/r/17uAFsiTD5/

Forwarded from Salafi Da'wah Cotabato
🌿 2ND IMAM MUHAMMAD IBN ABDULWAHHAAB ISLAMIC CONFERENCE 🌿
A Two-Day Knowledge-Based Conference organized by Salafi Da'wah Cotabato.
Join us for two days of beneficial Islamic knowledge as we learn the religion of Islam in its pure and pristine form—upon the Qur'an, the authentic Sunnah, and the methodology of the Salaf as-Ṣāliḥ.
📍 Majid Chio-Sampulna, De Mazenod Avenue, Rosary Heights 3, Cotabato City
📅 Rabi’ Al-awwal 2&3, 1448AH | August 15&16, 2026
Everyone is invited.
Bring your family and friends, and take this opportunity to increase in beneficial knowledge.
Other details pertaining to the conference will be announced through this page.
بارك الله فيكم

Kapag dumami ang mga mangmang na nagsasalita tungkol sa Islām—na kahit kailan ay hindi nila naamoy ang pagsasaliksik ng kaalaman ayon sa pamamaraan ng mga may kaalaman, ang mga iskolar—ito ay isa sa mga palatandaan na malapit na ang Araw ng Paghuhukom.
👍1
Kabilang sa biyaya ng Allāh, alḥamdulillāh, na hindi nakarating ang Daʿwah natin sa mga lugar na narating nito maliban na lamang dahil sa paghihingi ng mga Ikhwah at mga Ṭullāb al-ʿIlm ng payo mula sa iba’t ibang Mashāyikh at mga ʿUlamāʾ. Kung minsan, umaabot sa lima hanggang sampung Mashāyikh ang pinagtatanungan para lamang sa isang katanungan tungkol sa Daʿwah natin.
Kaya sinuman ang makakita ng pagkakamali o pagkukulang sa Daʿwah natin ay maaari tayong i-message at payuhan nang may tamang pag-uugali at may kasamang mga katibayan. Handa kaming tumanggap ng mga payo.
Nawa’y bigyan tayong lahat ng Allāh ng al-Ikhlāṣ sa ating Daʿwah, at bigyan Niya tayong lahat ng Tawfīq na bumalik sa mga ʿUlamāʾ. At huwag Niya tayong ibilang sa mga umaasa lamang sa kanilang sariling pag-unawa.

Kabilang sa malalaking kalamidad ay kapag ang isang tao na nag-uugnay ng kanyang sarili sa pagsasaliksik ng kaalaman ay nakabasa lamang ng isang āyah, isang ḥadīth, isang athar, isang qāʿidah, isang artikulo, o nakapanood ng isang reel—iniisip na agad niyang mayroon na siyang kaalaman.
Pagkatapos, ipinapalaganap niya ito batay sa kanyang masamang pagkaunawa, nang hindi nagtatanong sa mga may kaalaman.
Sila ang kabilang sa mga inilarawan ng Propeta ﷺ sa ḥadīth:
فَضَلُّوا وَأَضَلُّوا
“Kaya naligaw sila at inililigaw din nila ang iba.”

👍1💯1
Maaaring magsagawa ka ng Ṣalāh al-Fajr, ngunit pagdating ng Ṣalāh adh-Ẓuhr, maaaring ikaw naman ang ipagdasal nila ng Ṣalāh al-Janāzah.
Forwarded from Salafi Da'wah Cotabato
📢 Magsisimula na mamaya ang ating Dawrah, mga minamahal naming kapatid.
👤 Inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo at sumali sa pangangalap ng kaalaman.
📒 ✏️ Huwag kalimutang magdala ng notebook at panulat.
وبالله التوفيق والهداية.

📢 Payo sa mga Mag-aaral Kaugnay ng mga Insidente ng Pamamaril sa Paaralan
Isang mahalagang payo para sa mga mag-aaral ng Wisdom Islamic School tungkol sa pagbabawal sa pagpatay, pananakit, at pananakot, at sa kahalagahan ng pangangalaga sa buhay at kaligtasan ng bawat isa.
Kapag mabigat ang iyong pinagdaraanan, huwag mo itong sarilinin. Lumapit sa iyong mga magulang, guro, school counselor, mapagkakatiwalaang ustādh. Ang paghingi ng tulong ay hindi kahinaan.
🎙 Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
📍 Wisdom Islamic School, Davao City
🗓 08 Rabīʿ al-Awwal 1448H | August 21, 2026
Mula sa Khuṭbah: “Ang Pagsunod sa Sunnah: Babala Laban sa Mawlid at Pagpatay”
https://youtu.be/RN4W_ZAPoyg

Alḥamdulillāh, kabilang sa mga biyayang ipinagkaloob ng Allāh sa akin at sa mga ikhwah ngayong ijāzah (bakasyon) ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang gawain sa daʿwah.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
— Ang Dawrah Ibn Sīrīn, kung saan dumalaw at nagturo sa atin ang ating minamahal na Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī
— Ang Dawrah Muḥammad ibn ʿAbd al-Wahhāb II sa Cotabato City
— Ang maikling dawrah sa Kidapawan City
— Ang halos araw-araw na mga klase sa Wisdom Islamic School sa Fiqh, Tafsīr, wikang Arabe, at pagsasaulo ng Qurʾān, bukod pa sa mga pangkalahatang muḥāḍarah at iba pang mga aktibidad
— Ang iba’t ibang klase sa Masjid Chio Sampulna sa Cotabato City
— Ang mga klase para sa mga kababaihan, maging sa wikang Arabe, al-Qawāʿid al-Arbaʿ, at pagsasaulo nito
At marami pang ibang aktibidad.
Ang lahat ng ito ay mula sa biyaya ng Allāh, at pagkatapos nito ay mula sa paggabay ng ating minamahal na mga ʿulamāʾ.
Mula sa kanila ay natutunan natin na hindi tayo magkakaroon ng isang matuwid na komunidad kung tayo ay matutulog lamang, hindi magsisikap, at hindi magsasaliksik ng kaalaman.
Nawa’y biyayaan at gantimpalaan ng Allāh ang lahat ng nagtuturo, tumutulong, at nakikinabang sa mga klaseng ito. Nawa’y ingatan Niya tayong lahat laban sa kasamaan ng mga ḥāsidīn at panatilihin tayong tapat at matatag sa Kanyang relihiyon.
———
✍️ Abū Mulaykah Ṭāhir bin Manṣūr
🗓 Rabīʿ al-Awwal 12, 1448H | August 25, 2026

👍2❤1