[What I have witnessed from our beloved Shaykh Al Faqih Dr Arafat Al Muhammadi - حفظه الله -]
https://x.com/i/status/1999831596426268866

Kung ipinagbawal ng Islām ang pagtingin sa mga kababaihan at ang pakikipagkamay sa kanila, paano pa kaya ang malayang paghahalo, pakikipagbiruan, at pagtatawanan kasama nila?
⚡2👍2
Forwarded from Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh (Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor)
❤️🔥𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐙𝐢𝐧𝐚̄ 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐢𝐧𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧❤️🔥
Sinabi ni Imām ʿAbd ar-Raḥmān as-Saʿdī sa kanyang Tafsīr, sa Sūrah al-Māʾidah, āyah 05:
لأن الزناة في الجاهلية، منهم من يزني مع من كان، فهذا المسافح. ومنهم من يزني مع خدنه ومحبه. فأخبر الله تعالى أن ذلك كله ينافي العفة، وأن شرط التزوج أن يكون الرجل عفيفا عن الزنا.
Sapagkat ang mga gumagawa ng Zinā [pakikiapid o pakikipagtalik sa hindi asawa] noong [panahon ng] Jāhiliyyah [bago dumating ang Islām] — mula sa kanila ay yaong mga nakikipagtalik sa kahit sinong [babae], at sila ang mga Musāfiḥ [na tinutukoy sa āyah]; at mula rin sa kanila ay yaong mga nakikipagtalik lamang sa kanilang kabit at kasintahan.
Kaya’t ipinaalam ng Allāh, ang Kataas-taasan, na ang lahat ng ito ay salungat sa ʿiffah [kalinisan mula sa Zinā]; at kabilang sa mga kondisyon ng pagpapakasal ay ang pagiging malinis ng lalaki mula sa Zinā.
— Natapos ang pahayag ni Imām as-Saʿdī.
Sabi ko: Gayundin, nabanggit sa Sūrah an-Nisāʾ, āyah 25, ang tungkol sa mga kababaihan na malinis — hindi nakikipagtalik sa kahit sinong [lalaki], at hindi kumukuha ng kasintahan.
————
✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Dhu al-Qiʿdah 22, 1446H | Mayo 20, 2025

❤1🔥1
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Photo
🛒𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻 (𝗣𝗮𝗹𝗲𝗻𝗴𝗸𝗲 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗹𝗹): 𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗮𝘆𝘁̣𝗮̄𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝗹𝗼🛒
1️⃣Mula kay Abū Hurayrah na sinabi ng Propeta ﷺ:
“Ang pinakamamahal na mga lugar sa Allāh ay ang Kanyang mga Masjid, at ang pinakakinamumuhian na mga lugar sa Allāh ay ang mga pamilihan.”
📚 Ṣaḥīḥ Muslim (671)
——
2️⃣Sinabi ni Salmān al-Fārisī رضي الله عنه:
“Huwag mong hayaan—kung kaya mo—na ikaw ang unang pumasok sa mga pamilihan, ni ang huling lalabas mula rito, sapagkat tunay na ito ang larangan ng labanan ng Shayṭān, at dito niya itinatayo ang kanyang bandila.”
📚 Ṣaḥīḥ Muslim (2451)
——
3️⃣Sinabi ni al-Qurṭubī رحمه الله (p. 621H):
“Sa mga ḥadīth na ito ay may nagpapahiwatig ng pagkamuhi sa pagpasok sa mga pamilihan, lalo na sa panahong ito kung saan naghahalo ang mga kalalakihan at mga kababaihan.
At ganito rin ang sinabi ng ating mga iskolar: kapag dumami ang kasinungalingan sa mga pamilihan at lumitaw dito ang mga kasamaan, ay hindi kanais-nais ang pagpasok dito para sa mga taong may dangal at sa mga ginagawang huwaran sa relihiyon, bilang pag-iingat sa kanila mula sa mga lugar na sinusuway ang Allāh.
Kaya nararapat sa sinumang sinubok ng Allāh sa pamamagitan ng mga pamilihan na isaisip na siya ay pumasok sa lugar ng Shayṭān at ng kanyang mga sundalo. At kung siya ay manatili roon, siya ay mapapahamak.
Kaya ang sinumang nasa ganitong kalagayan ay dapat limitahan ang kanyang pananatili ayon lamang sa kanyang pangangailangan at mag-ingat sa masamang bunga at kapinsalaang dulot ng pagsubok na ito.”
📚 Al-Jāmiʿ li-Aḥkām al-Qurʾān (13/16)
————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🛒 Jumādā ath-Thānī 27, 1447H | Disyembre 18, 2025

👍3⚡1
🛏️ 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗴𝗮𝘀𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗮𝘆𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗶𝗽 🛏️
Sinabi ni al-ʿAllāmah Ibn ʿUthaymīn رحمه الله:
Pinapayuhan ko ang sinumang makarating sa kanya ang aking salitang ito na huwag maging masigasig sa pagsubaybay sa mga panaginip.
Sapagkat kapag nalaman ng Shayṭān na ang isang tao ay (binibigyang-pansin at) sinusubaybayan ang kanyang mga panaginip, ay kanyang pinipinsala ito sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya ng mga bagay na hindi niya gusto, hanggang sa siya ay malungkot.
Bagkus, dapat niya itong kalimutan at huwag bigyang-pansin. Sapagkat ang mga Ṣaḥābah, nawa’y kalugdan sila ng Allāh, ay minsan ding nakakakita ng mga panaginip na nagdudulot sa kanila ng pagkabahala at pagkakasakit.
Kaya’t ginabayan sila ng Propeta ﷺ na kapag sila ay makakita ng panaginip na hindi nila gusto, sila ay magpakupkop sa Allāh mula sa kasamaan ng Shayṭān at mula sa kasamaan ng kanilang nakita, at huwag itong ipaalam kaninuman—at pagkatapos nito, ito ay hindi na makakapinsala sa kanila.
📚 Al-Liqāʾ al-Bāb al-Maftūḥ (8/218)
————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Makkah al-Mukarramah
🛒 Jumādā ath-Thānī 29, 1447H | Disyembre 20, 2025

❤1
❓ Tumanggap ba ang mga Ṣaḥābah ng Regalo mula sa mga Di-Muslim sa Kanilang mga Pagdiriwang?
🧾 Buod na Sagot:
Sinabi ni Shaykh Dr. ʿArafāt al-Muḥammadī: “Walang anumang napatunayang Ṣaḥīḥ na salaysay tungkol dito mula sa mga Ṣaḥābah.”
————
1️⃣ Ang salaysay tungkol sa pagtanggap ni ʿAlī bin Abī Tālib:
🗣 “…Mula kay Hishām, mula kay Muḥammad bin Sīrīn, na nagsabi: “Dinalhan si ʿAlī ng isang handog (o regalo) sa araw ng Nayrūz (pagdiriwang ng Majūs—ang mga sumasamba sa apoy), kaya’t sinabi niya: ‘Ano ito?’
Sinabi nila: “O Amīr al-Mu’minīn (pinuno ng mga mananampalataya), ito ay araw ng Nayrūz.”
Kaya’t sinabi niya: “Kung gayon, gawin ninyo ang bawat araw (na parang) Fayrūz.”
Sinabi ni Abū Usāmah: Inayawan niyang banggitin ang salitang ‘Nayrūz’.”
🔍 Pagsusuri ng Salaysay
Ang Isnād ng salaysay na ito ay may Inqiṭāʿ (putol), sapagkat hindi naabutan ni Muḥammad bin Sīrīn si ʿAlī t.
Ito ay dahil ipinanganak si Ibn Sīrīn noong taong 33H, samantalang pumanaw si ʿAlī noong taong 40H. Sa panahong iyon, si Ibn Sīrīn ay pitong (7) taong gulang pa lamang.
————
2️⃣ Ang salaysay tungkol sa pagtanggap ni ʿĀ’ishah:
🗣 “Isinalaysay sa amin ni Jarīr, mula kay Qābūs, mula sa kanyang ama, na may isang babae na nagtanong kay ʿĀ’ishah.
Sinabi niya: ‘Mayroon kaming mga mga kamag-anak sa gatas mula sa mga Majūs, at kapag dumarating ang kanilang pagdiriwang ay nagbibigay sila sa amin ng mga handog.’
Kaya’t sinagot niya (ni ʿĀ’ishah): ‘Ang anumang kinatay para sa araw na iyon ay huwag ninyong kainin; subalit kainin ninyo ang mula sa kanilang mga puno (mga bunga nito).’”
🔍 Pagsusuri ng Salaysay:
Ang isnād ng salaysay na ito ay hindi Ṣaḥīḥ, sapagkat sa Isnād ay naroroon si Qābūs na nagsasalaysay mula sa kanyang ama.
📌 Sinabi ni Imām al-Bukhārī, mula kay Aḥmad bin ʿAbdillāh, mula kay Jarīr bin ʿAbd al-Ḥamīd —na siya mismong nagsalaysay ng salaysay na ito mula kay Qābūs—na nagsabi: “Dinatnan namin siya matapos na masira (o humina ang kanyang memorya).”
📌 Sinabi ni Ibn Ḥibbān tungkol kay Qābūs: “Masama ang kanyang memorya; nag-iisa siya (sa pagsasalaysay) mula sa kanyang ama (ng mga salaysay) na walang pinagmulan. Minsan ay ginagawa niyang Marfūʿ ang Mursal, at dinudugtong niya ang mga Mawqūf.”
📌 Sinabi ni Yaḥyā bin Maʿīn: “Mahina ang (kanyang) ḥadīth.”
📌 Sinabi ni an-Nasāʾī: “Hindi siya malakas (ibig sabihin: mahina).”
📌 Sinabi rin ni Imām Aḥmad: “Hindi siya ganoon (ibig sabihin: mahina).”
————
3️⃣ Ang salaysay tungkol sa pagtanggap ni Abū Barzah:
🗣 “Isinalaysay sa amin ni Wakīʿ na iniulat sa amin ni al-Ḥasan bin Ḥakīm, mula sa kanyang ina, mula kay Abū Barzah al-Aslamī, na mayroon siyang mga kapitbahay na Majūs. Sila ay nagbibigay sa kanya ng mga handog tuwing Nayrūz at Mahrjān. Kaya’t sinasabi niya sa kanyang pamilya: ‘Anuman ang mula sa prutas ay tanggapin ninyo, at anuman ang iba pa bukod dito ay tanggihan ninyo.’”
🔍 Pagsusuri ng Salaysay:
Ang Isnād ng salaysay na ito ay hindi Ṣaḥīḥ, sapagkat ang ina ni al-Ḥasan ibn Ḥakīm—na isang alipin ni Abū Barzah—ay Majhūlah (hindi kilala).
————
✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 01, 1447H | Disyembre 21, 2025

"A Guide to Polygyny: Before the Husband Takes a Second Wife"
Taught by Sh. Jameel Finch at Masjid Ad Da'wah Ilat Tawheed:
https://m.soundcloud.com/masjidaddawah/before-the-husband-takes-a-second-wife-jameel-finch

💔𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐛𝐨𝐫𝐬𝐢𝐲𝐨?💔
Sinabi ni Imām Muqbil bin Hādī al-Wādiʿī رحمه الله:
“Alam ng Allāh ang kalagayan ng babae—na siya ay mahina at may kakulangan sa pag-iisip at relihiyon. Kung ang bakal at apoy ay nasa kanyang kamay, tiyak na magagamit niya ito sa maling paraan.
At kung ang Ṭalāq (diborsiyo) ay nasa kanyang kamay, ididiborsiyo niya ang kanyang asawa ng dalawampung (20) beses sa loob ng isang araw.
Pagkatapos, kapag bumaba na ang kanyang galit, siya ay iiyak at ayaw nang bumalik sa kanyang pamilya—samantalang nadiborsiyo na niya ang kanyang asawa ng dalawampung beses.
Dahil dito, inilagay ng Allāh, ang Kataas-taasan, ang pamumuno (at responsibilidad) sa kamay ng mga lalaki.”
📚Tuḥfat al-Mujīb ʿalā Asʾilat al-Ḥāḍir wa al-Gharīb, p. 426
————
✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajb 04, 1447H | Disyembre 23, 2025

👍3
⁉️ Kung Patuloy sa Kasalanan ang Isang Tao, Nawawalang-Saysay ba ang Kanyang Pagsamba? ⁉️
1️⃣5️⃣0️⃣ [Shortened] assalamu 'alaykum, kapag isang tao patuloy pa rin sya gumagawa ng mga kasalanan kahit na maliit o malaking kasalanan lahat ba ng kanyang mga good deeds at pagsamba kay Allāh ay useless?
———
🟢
————
✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajb 07, 1447H | Disyembre 27, 2025

وعليكم السلام ورحمة الله وبركاته.
Hindi mawawalang-saysay ang mga mabubuting gawain, maliban na lamang kung ang isang tao ay nakagawa ng Shirk o Kufr.
Ito ay dahil sa sinabi ng Allāh sa Sūrah az-Zumar, talatang 65:
{ وَلَقَدۡ أُوحِیَ إِلَیۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِكَ لَىِٕنۡ أَشۡرَكۡتَ لَیَحۡبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَـٰسِرِینَ }
At katotohanang ipinahayag sa iyo (o Muḥammad) at sa mga nauna sa iyo (mula sa mga Propeta) na kung ikaw ay magtatambal (sa Allāh sa pagsamba), tiyak na mawawalang-saysay ang iyong mga gawain, at ikaw ay mapapabilang sa mga talunan.
At kinakailangan na sikapin ng isang tao na iwasan ang paggawa ng mga kasalanan, sapagkat ang kanyang mga mabubuting gawain at mga kasalanan ay ititimbang sa Araw ng Paghuhukom. Kapag mas mabigat ang kanyang mga mabubuting gawain, siya ay mapapabilang sa mga papasok sa Paraiso; at kung hindi, siya ay mapapabilang sa mga papasok sa Impyerno.
At sinabi ng Allāh sa Sūrah al-Kahf, talatang 49:
{ وَوَجَدُوا۟ مَا عَمِلُوا۟ حَاضِرࣰاۗ وَلَا یَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدࣰا }
At makikita nila na naroroon (sa kanilang aklat) ang kanilang mga gawain, at ang iyong Panginoon ay hindi nag-aapi ng sinuman.

👍2