Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
267 subscribers
338 photos
7 videos
19 files
200 links
Download Telegram
⁉️ Ang Pagsasagawa ng Ṣalāh ng ʿIshāʾ sa Oras ng Maghrib Dahil sa Magaang Sakit⁉️

1️⃣6️⃣9️⃣ Pwede po ba mag advance mag salah for instance nag pray sya ng maghrib at balak nya mag advance mag pray ng 'isha. ang reason bakit nya e advance ang 'isha dahil may sakit sya hindi sa severe illness but something na nilalagnat sya at wala ng lakas. baarakallaahu feek

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Ipinapahintulot ito basta may kahirapan. Kung siya ay mahina at mahihirapan siyang tumayo muli upang magsagawa ng Wuḍūʾ, walang problema.

Basta siya ay may sakit ayon sa kasanayan ng mga tao, kung saan masasabi nila na ang taong ito ay may sakit.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 02, 1447H | Pebrero 19, 2026
⁉️ Responsibilidad ba ng Lalaki na Magpalabas ng Fidyah para sa Kanyang Asawang Buntis? ⁉️

1️⃣7️⃣0️⃣ Ang asawa na lalaki ba ang responsibilidad sa pag bigay ng fidyah sa asawa nyang babae na buntis?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Hindi, hindi ito wājib (obligado) para sa kanya. Ngunit kung ginawa niya ito, dapat siyang pasalamatan dito, subalit hindi ito wājib.

🔴 Sabi ko: Paano kung walang pera ang asawang babae, mawawala ba (ang obligasyon sa kanya)?

🟢 Sabi ni Shaykh ʿArafāt حفظه الله:

Mawawala (ang obligasyon na ito) mula sa kanya basta wala siyang kayamanan. Hindi inaatasan ng Allāh ang tao ng higit sa kaya niya.

Ngunit makatuwiran ba na ang lalaki ay may kayamanan, at hihingi ang kanyang asawa sa kanya na magpalabas siya ng Fidyah, at tatanggi siya?!

Ito ay isang kilo at kalahati sa isang araw—nasa apatnapu’t limang (45) kilo sa isang buwan. Bagkus, Subḥānallāh, ito ay isang dahilan ng pagmamahalan sa pagitan niya at ng kanyang asawa, at mararamdaman niya na hindi nagkulang ang kanyang asawa sa kanya.

Ito ay isang ʿibādah (pagsamba), at nararapat na siya ay maging masigasig sa pagsamba ng kanyang asawa.

Hindi ko alam, mayroon ba ang ganitong uri ng grupo? Maliban na lamang kung siya ay mahirap at wala talagang anuman—siya ay may dahilan.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 02, 1447H | Pebrero 19, 2026
❤1
⁉️ Ang Asawang Nag-iiwan ng Ṣalāh Dahil sa Pagsubok ⁉️

1️⃣7️⃣1️⃣ Halal pa rin po ba ang pagsasama ng mag-asawa kung ang asawang lalaki ay iniiwanan ang kanyang salah sa tuwing nakararanas ng pagsubok ? Ano po ang mainam na gawin ng sister sa ganitong sitwasyon ? Kapag binibigyan niya ng payo ay hindi tinatanggap ng kanyang asawa, hayaan na lamang daw muna ito at huwag pilitin isabuhay ang Islam higit lalo ang pagsasalah hanggang sa maging ok ito

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Anong klaseng pagsubok ito na naging dahilan upang iwanan niya ang kanyang Ṣalāh?

🔴 Sabi ko: Hindi binanggit.

🟢 Sabi ni Shaykh ʿArafāt حفظه الله:

Ang isang tao, kapag sinubukan siya, kailangan niyang mas lumapit sa Allāh—hindi yaong mas lumalayo mula sa Allāh—upang alisin ng Allāh mula sa kanya ang pagsubok na ito.

Aʿūdhu billāh mula rito. Ipagpatuloy mo ang pagpayo sa kanya nang may kahinahunan. Hinihingi ko sa Allāh na gabayan siya.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 02, 1447H | Pebrero 19, 2026
⁉️ Ang Laging Pagtatanong Kung Buntis Na ang Isang Tao ⁉️

1️⃣7️⃣2️⃣ It is common in our community that when someone is newly married, some bro/sister asks if the are pregnant every single time they meet. Is this proper adab or is it best not to ask as it is outside their concern? Or worse they ask “why are you not pregnant fulan is better she/he got ahead of you”

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Ang mga taong ito ay mga pakialamero, at ito ay isang masamang nakasanayan.

Ikalawa, ang pagsabi ng “mas mainam pa si ganito kaysa sa iyo” — anong klaseng salita ito?! Ang mga bagay ba ay nasa kanyang kamay? Ang Allāh ang nagtatakda nito.

Ang Allāh ang nagtatakda kung sino ang magkakaanak at kung sino ang hindi.

يَهَبُ لِمَن يَشَاءُ إِنَاثًا وَيَهَبُ لِمَن يَشَاءُ الذُّكُورَ (49) أَوْ يُزَوِّجُهُمْ ذُكْرَانًا وَإِنَاثًا

Ipinagkakaloob Niya sa sinumang Kanyang nais ang mga babae, at ipinagkakaloob Niya sa sinumang Kanyang nais ang mga lalaki, at ipinagkakaloob Niya sa iba ang parehong lalaki at babae.

Sila ay apat na grupo. Hindi mo alam kung ano ang ipagkakaloob sa iyo ni Allāh. Ang ganitong salita ay mali, at dapat sabihan ang sinumang nagsasabi nito na matakot siya sa Allāh.

Ginagawa natin ang anumang kaya natin, ngunit ang Allāh ang nagtatakda ng kabutihan.

Ipaliwanag ninyo sa kanila na ito ay kabilang sa masamang nakasanayan.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 02, 1447H | Pebrero 19, 2026
👍7⚡2
⁉️ Paano Matukoy Kung May Kahulugan ang Panaginip o Wala ⁉️

1️⃣7️⃣3️⃣ Paano matukoy o malaman na ang panaginip ay totoo (authentic dreams) o hindi totoo (mula sa shaytan or confused dreams)?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Ang tagapagpaliwanag ng panaginip ang makasasagot nito para sa iyo. Sasabihin niya kung ito ay panaginip na may kahulugan o isang magulong panaginip (na walang kahulugan).

Ngunit sinabi nila na ang panaginip na may kahulugan ay kadalasang maikli, salungat sa mga magulong panaginip na mahahaba at may kuwento—at kadalasan, ito ay mula sa Shayṭān.

Gayundin, ang mga bagay na iniisip mo bago ka matulog, tulad ng mga problema, ay maaari mong makita sa iyong panaginip.

Ngunit ang panaginip na may kahulugan—subḥānallāh—ito ay maikli at malinaw, hanggang sa ikaw mismo ay maramdaman mo na mayroon itong kahulugan.

Dito, tanungin mo ang isang mapagkakatiwalaang tagapagpaliwanag ng panaginip, lalo na sa kanyang relihiyon. Maaaring ito ay isang bagay na nagbibigay ng babala laban sa kapahamakan o nagdadala ng magandang balita ng kabutihan.

Ito ang panaginip na may kahulugan—maaari itong magbigay ng babala o ng magagandang balita.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 02, 1447H | Pebrero 19, 2026
👍2
⁉️ Maaari Bang Ipasabay ang Walīmah ng ʿAqīqah sa Walīmah ng Nikāḥ ⁉️

1️⃣7️⃣4️⃣ Maaari ba daw na ipagsabay ang walīmah ng Aqīqah sa walīmah ng Nikāh? Paalala lamang para sa shaykh na ang nagpadala ng tanong ay may nabuntis na labas sa kasal, at ang babaeng nabuntis ay nag revert na sa Islām, matapos niyang manganak.

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Ang ʿAqīqah ay may sariling dahilan, at ang Nikāḥ ay may sarili ring dahilan.

Maaaring ang ina ang magsagawa ng ʿAqīqah para sa anak, ngunit hindi ang lalaki, dahil hindi niya ito anak*, at hindi ito iniuugnay sa kanya bilang ama. Wala siyang kinalaman sa ʿAqīqah.

Ngunit kung sasabihin ng ina na siya ang magsasagawa ng ʿAqīqah, wala itong problema.

*Personal note: Dahil ang bata ay nabuo dahil sa zinā.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 03, 1447H | Pebrero 20, 2026
Kahapon, habang kami ay nasa bahay ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله, sinabi niya tungkol sa postpartum depression:

“Ito ang sinasabi nila, ngunit ang depression na ito ay dahil sa jinn—kunin ninyo ito mula sa akin.”
🚨𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐡𝐚𝐰𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐡𝐢ʿ𝐚𝐡 𝐑𝐚̄𝐟𝐢𝐝̣𝐚𝐡 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐮𝐝𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚𝐧𝐨 — (𝟒)🚨

Sinabi ni Shaykh al-Islām Ibn Taymiyyah رحمه الله:

وَالْيَهُودُ تَزُولُ عَنِ الْقِبْلَةِ شَيْئًا، وَكَذَلِكَ الرَّافِضَةُ.

“At ang mga Hudyo ay medyo tumataliwas mula sa Qiblah, at gayundin ang mga Rāfiḍah.”

— Personal note: Ang mga Rāfiḍah ay humaharap sa Karbalāʾ imbes na sa Kaʿbah sa Makkah.

📚[Minhāj as-Sunnah an-Nabawiyyah (1/25)]

————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir bin Manṣūr
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 04, 1447H | Pebrero 21, 2026
🚨𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐡𝐚𝐰𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐡𝐢ʿ𝐚𝐡 𝐑𝐚̄𝐟𝐢𝐝̣𝐚𝐡 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐮𝐝𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚𝐧𝐨 — (𝟓)🚨

Sinabi ni Shaykh al-Islām Ibn Taymiyyah رحمه الله:

وَالْيَهُودُ تُسْدِلُ أَثْوَابَهَا فِي الصَّلَاةِ، وَكَذَلِكَ الرَّافِضَةُ،

“At ang mga Hudyo ay pinabababa ang kanilang damit sa ṣalāh, at gayundin ang mga Rāfiḍah.”

📚[Minhāj as-Sunnah an-Nabawiyyah (1/25)]

————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir bin Manṣūr
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
⁉️ Ang Pagbasa ng Qurʾān para sa Babaeng May Regla ⁉️

1️⃣7️⃣5️⃣ [Rephrased] Maari bang magbasa ang babae na may regla ng Qur'an mula sa cellphone?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Oo, ipinapahintulot sa isang babaeng may regla na magbasa ng Qurʾān, maging ito man ay mula sa cellphone o sa Muṣḥaf. Ang ipinagbabawal ay ang (direktang) paghawak (ng Muṣḥaf). Hindi siya dapat humawak nito nang direkta, ngunit ang pagbasa ay pinahihintulutan.

Maari siyang magbasa na may harang sa pagitan ng kanyang kamay at ng Muṣḥaf, o magbasa mula sa mga aklat ng tafsīr na may kasamang Muṣḥaf.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 05, 1447H | Pebrero 22, 2026
⁉️ Anong Pagsamba ang Maaaring Gawin ng Babaeng May Regla sa Ramaḍān ⁉️

1️⃣7️⃣6️⃣ ...Ano po ang mga gawaing ibadah na puwede nilang gawin habang may regla ngayong Ramadan?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Gawin niya ang lahat maliban sa pag-aayuno, ṣalāh, at ṭawāf (ibig sabihin, ang ʿumrah).

Maliban dito, ang duʿāʾ, dhikr, pagbabasa ng Qurʾān, at iba pang mga gawain—tulad ng ṣadaqah at mabuting pakikitungo sa mga tao—ay walang problema.

Tungkol sa pagpasok sa masjid, walang problema, ayon sa pinakatamang (opinyon)


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 05, 1447H | Pebrero 22, 2026
⁉️ Ang Pagkakaiba ng Tarāwīḥ, Tahajjud, at Qiyām al-Layl ⁉️

1️⃣7️⃣7️⃣ ...Ano po ang pinagkaiba ng Tarawih at Tahajjud o Qiyam al-layl?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Tinawag ang tahajjud bilang tahajjud dahil ginagawa ito pagkatapos ng pagtulog. Halimbawa, tutulog siya pagkatapos ng ʿIshāʾ, pagkatapos ay gigising siya at magsasagawa ng ṣalāh...

Ngunit sa pinagmulan nito, ang lahat ng ito ay iisa lamang. Ginagawa ito pagkatapos ng ṣalāh al-ʿIshāʾ hanggang sa sumapit ang fajr. Lahat ng mga ṣalāh na ito ay iisa lamang.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
👍2
⁉️ Paano Payuhan ang mga Magulang na Gumagawa ng Bidʿah ⁉️

1️⃣7️⃣8️⃣ Maaari bang magbigay ng simpleng advices ang anak sa magulang kapag sila (magulang) ay nakakapag-perform ng bid’ah?
Kung maaari, sa paanong paraan po?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Payuhan mo sila nang may kalumanayan, magandang pag-uugali, at kaalaman. Dapat ipaliwanag sa kanila kung ano ang Sunnah at kung ano ang sumasalungat sa Sunnah ng Propeta—ano ang ibig sabihin ng Sunnah at ano ang ibig sabihin ng bidʿah.

Kadalasan, hindi makikinig ang ama mula sa kanyang anak. Kung manggagaling ito sa iba maliban sa iyo, maaaring mas tanggapin niya ito.

Ilang beses nanawagan si Ibrāhīm sa kanyang ama, ngunit hindi siya tumugon. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi ka magsisikap. Magsikap ka at turuan mo siya nang may kalumanayan at magandang pag-uugali.

At mas mainam kung ikaw ay masunurin sa iyong ama, dahil kung may kaunting pagsuway o hindi pagkakasundo, tiyak na hindi siya tatanggap mula sa iyo.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
⁉️ Maaari Bang Makipagkaibigan sa Hindi-Muslim ⁉️

1️⃣7️⃣9️⃣ Nais kolamang pong itanong ano po ba ang hatol sa pakikipag Kaibigan sa Mga non-muslim po, ito po ba ay ipinag-babawal?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Kung makipagkaibigan ka upang anyayahan siya sa Islām at maging dahilan ng kanyang paggabay, walang problema.

Ngunit ang pakikipagkaibigan lamang (nang walang layuning ito) ay hindi tama. Paano? (sa isang ḥadīth): “Hindi dapat kumain mula sa iyong pagkain maliban ang taong may taqwā (takot sa Allāh).”

At: “Hindi dapat makisama maliban sa isang mananampalataya.”

Maaaring makapinsala ito sa iyo—maaaring siya ang makahila sa iyo, at masundan mo siya sa kanyang pamamaraan at pag-uugali.


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
❤3👍1
⁉️ Maaari ba ang Qaṣr kung Magbiyahe ng 8 Oras para sa Dalawang Linggo? ⁉️

1️⃣8️⃣0️⃣ Pwede ko ba ako mag qasar sa lahawag ng wakto kahit na abutin ako ng 2 weeks sa travel?
Place 1 to place 2 Ang distance ay 8 hours. Pagdating ko sa place 2 ay makakapag stay pa ako ng 2 weeks dun. Pwede ba ako mag qasar sa loob ng 2 weeks sa place 2?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله (sa buod):

Ano itong “una” at “ikalawa”? Sabihin mo na ikaw ay isang musāfir (manlalakbay). Bakit mo sasabihin na “una” at “ikalawa”? Sabihin mo: naglakbay ako sa isang lungsod ng walong oras. Walang duda na ito ay maituturing na safar (paglakbay, dahil umaabot ito ng 80 km), kaya walang problema ang mag-Qaṣr.

Basta’t hindi mo layunin ang iqāmah (pananatili sa lugar na iyon).


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
📌 May ilang katanungan tungkol sa mga problema sa pag-aasawa—ang mga ganitong uri ng katanungan ay hindi namin tatanggapin.

👥 Kailangan itong itanong habang naroon ang parehong mag-asawa, upang marinig nang maayos ang dalawang panig at makapagbigay ng payo na angkop sa sitwasyon, at upang maiwasan din ang pagiging bias.
👍4
⁉️ Payo para sa mga Kalalakihan na Nagbibiruan tungkol sa mga Malalaswang Bagay ⁉️

1️⃣8️⃣1️⃣ [Rephrased] Ano po ang maipapayo niyo sa mga kalalakihan na nagbibiruhan sa pamamgitan ng paglalarawan ng mga pribadong bahagi o pakikipagtalik at minsan naririnig ito ng mga kababaihan?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله (sa buod):

Mga kabataan na nagsasalita ng ganito sa kalsada? Lā ḥawla wa lā quwwata illā billāh. Galing pa ito sa mga matutuwid at mga Salafī? Dapat silang matakot sa Allāh para sa kanilang mga sarili.

Hindi sapat na nagsasalita kayo tungkol sa mga bagay na hindi nararapat—umaabot pa sa punto na naririnig ito ng mga kababaihan? Payuhan ninyo sila, at sabihin na matakot sila sa Allāh.

Ito ay kahihiyan, at kabilang sa mga bagay na nakakasira ng murūʾah (dangal at dignidad).

————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
👍7
⁉️ Payo para sa mga Bagong Kasal ⁉️

1️⃣8️⃣2️⃣ What is your advice for a newly wed, How to keep marriage stronger, harmonious, and beneficial for the sake of Allāh?

———

🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Wallāhi, ito ay sa pagtupad ng mga karapatan. Katakutan ng bawat isa ang Allāh at ibigay ang karapatan ng isa’t isa.

Ang babae—ibigay niya ang mga karapatan sa bahay, tulad ng paglilinis at mga gawaing-bahay, at ibigay ang mga karapatan sa higaan. Hindi lalayo ang lalaki mula sa kanya, sapagkat tinutupad niya ang lahat ng kanyang mga karapatan.

Gayundin ang kabaligtaran (para sa mga kalalakihan)—alagaan niya siya, bigyan ng kahalagahan ang paggastos para sa kanya at sa kanyang mga anak, at tugunan ang kanyang mga pangangailangan.

Pagkatapos, ang pinakamahalaga rito ay ang emosyonal na aspeto—ang pagmamahalan. Ipakita niya sa kanya na mahal niya siya, at magsikap siyang alagaan siya, maging sa pamamagitan ng salita o gawa.

Ngunit kung makita ng babae na ang kanyang asawa ay hindi nagsasalita sa kanya nang mabuti, madaling magalit, at hindi niya naririnig ang mga salitang may damdamin—samantalang ito ay wājib—

Ang sinumang nais na magtagal ang kanilang pagsasama ay dapat may mabubuting salita para sa kanyang asawa: maingat na pakikinig, pagkakontento, at pag-ibig.

Bakit? Dahil ito ang kahulugan ng pag-aasawa—pagkakaroon ng pagmamahalan. At sinabi ng Allāh: “pagmamahalan sa pagitan ninyo.” Nasaan ang pagmamahal kung may pagkatuyo (kakulangan sa pagpapakita ng pagmamahal)?


————————

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 06, 1447H | Pebrero 23, 2026
👍3
Alḥamdulillāh, mula sa awa at biyaya ng Allāh, binubuksan ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله ang kanyang bahay araw-araw tuwing Ramaḍān para sa mga nais bumisita sa kanya, at sinasagot niya ang ilang mga katanungan na nagmumula sa Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay mula sa ilang katanungan na ipinadala sa Google Form.

1️⃣6️⃣7️⃣Ang Paglalagay ng Cream sa Kilay upang Kumapal Ito
1️⃣6️⃣8️⃣Ang mga Klase Tungkol sa Pagliligtas ng Buhay sa Loob ng Masjid
1️⃣6️⃣9️⃣Ang Pagsasagawa ng Ṣalāh ng ʿIshāʾ sa Oras ng Maghrib Dahil sa Magaang Sakit

1️⃣7️⃣0️⃣Responsibilidad ba ng Lalaki na Magpalabas ng Fidyah para sa Kanyang Asawang Buntis?
1️⃣7️⃣1️⃣Ang Asawang Nag-iiwan ng Ṣalāh Dahil sa Pagsubok
1️⃣7️⃣2️⃣Ang Laging Pagtatanong Kung Buntis Na ang Isang Tao

1️⃣7️⃣3️⃣Paano Matukoy Kung May Kahulugan ang Panaginip o Wala
1️⃣7️⃣4️⃣Maaari Bang Ipasabay ang Walīmah ng ʿAqīqah sa Walīmah ng Nikāḥ
1️⃣7️⃣5️⃣Ang Pagbasa ng Qurʾān para sa Babaeng May Regla

1️⃣7️⃣6️⃣Anong Pagsamba ang Maaaring Gawin ng Babaeng May Regla sa Ramaḍān
1️⃣7️⃣7️⃣Ang Pagkakaiba ng Tarāwīḥ, Tahajjud, at Qiyām al-Layl
1️⃣7️⃣8️⃣Paano Payuhan ang mga Magulang na Gumagawa ng Bidʿah

1️⃣7️⃣9️⃣Maaari Bang Makipagkaibigan sa Hindi-Muslim
1️⃣8️⃣0️⃣Maaari ba ang Qaṣr kung Magbiyahe ng 8 Oras para sa Dalawang Linggo?
1️⃣8️⃣1️⃣Payo para sa mga Kalalakihan na Nagbibiruan tungkol sa mga Malalaswang Bagay
1️⃣8️⃣2️⃣Payo para sa mga Bagong Kasal


🎧 https://t.me/KasagutanAtAral/751

————————

✍️ Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Ramaḍān 07, 1447H | Pebrero 24, 2026
❤3⚡1
Inutusan ang mga kalalakihan na ibaba ang kanilang paningin at iwasang tumingin sa mga kababaihan;

Gayundin, inutusan ang mga kababaihan na ibaba ang kanilang paningin at iwasang tumingin sa mga kalalakihan.
👍3