Ping Lacson Updates
29 subscribers
1.06K photos
55 videos
1.62K links
Maintained by the Office of Sen. Ping Lacson
Download Telegram
Pinuri ni Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes si dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa ipinakita nitong pasensya, kahinahunan at pagpipigil sa sarili sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

https://pinglacson.net/2026/09/14/lacson-lauds-former-sandiganbayan-justice-for-patience-forbearance-at-vp-impeachment-trial/
Kung nakakatakot — o nakakayanig — sa mga kurakot ang kanyang anti-corruption crusade, nangangahulugan lamang umano ito na may tama at mabuting ginagawa para sa bansa si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

https://pinglacson.net/2026/09/15/lacson-if-anti-corruption-crusade-intimidates-the-corrupt-i-must-be-doing-something-right/
Upang maprotektahan ang mga kabataang Pilipino mula sa masasamang epekto ng social media, iminungkahi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na gamitin ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID bilang pangunahing batayan sa pagberipika ng edad ng mga user na nais gumamit ng mga social media platform.

https://pinglacson.net/2026/09/15/lacson-eyes-national-id-as-primary-age-check-for-social-media-users/
Itinanggi ni Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na sinabi niyang dapat matapos ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio pagsapit ng Disyembre, at binigyang-diin na wala siyang kapangyarihan o impluwensiya upang diktahan ang timeline ng mga paglilitis.

https://pinglacson.net/2026/09/15/lacson-i-never-gave-a-timeline-for-vp-impeachment-trial/
Ang pagharap sa Miyerkules ng apat na dating mahistrado ng Korte Suprema ay maaaring maging pinakamalaking araw para sa mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes.

https://pinglacson.net/2026/09/15/lacson-former-sc-justices-appearance-could-be-biggest-day-for-senator-judges-in-vp-trial/
Tinanong ni Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema kung paano matitiyak ng Impeachment Court ang pagiging patas nito sa sambayanang Pilipino, gaya ng binigyang-diin ni dating Chief Justice Artemio Panganiban sa kanyang paunang pahayag, na kasama ng katotohanan ay dapat maging mahalagang batayan ng desisyon ng Impeachment Court — kung hindi makadadalo ang siyam sa 24 nitong miyembro, at 15 na lamang ang matitirang senator-judges, isang boto ang kulang sa 16 na kumakatawan sa two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado na kinakailangan para sa conviction sa ilalim ng Konstitusyon.

https://pinglacson.net/2026/09/16/lacson-raises-fairness-issue-if-9-senator-judges-cannot-attend/
Tumatak kay Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson ang mga pananaw na ibinahagi ng tatlong dating mahistrado ng Supreme Court sa kanilang pagharap sa Impeachment Court noong Miyerkules, at makatutulong ang mga ito sa kanyang pagdedesisyon kapag bumoto ang Impeachment Court sa susunod na linggo sa pinagtatalunang voting threshold para sa conviction.

https://pinglacson.net/2026/09/17/lacson-former-sc-justices-insights-leave-indelible-mark-to-guide-decision-on-voting-threshold/
Iginiit ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang 'low tolerance' niya sa korapsyon, kung kaya't hindi niya tatantanan ang mga korap.

Patuloy niyang lalabanan ang korapsyon sa 2027 budget at sa mga "ghost" flood control at infra projects.

https://pinglacson.net/2026/09/17/lacson-consistent-in-low-tolerance-for-corruption-will-keep-hounding-the-corrupt/
Higit sa pag-aangking biktima ng panggigipit, ang pagtuturo sa mga tao kung paano i-corrupt ang media ang tunay na banta sa demokrasya, ani Senador Panfilo "Ping" Lacson nitong Biyernes ng gabi.

https://pinglacson.net/2026/09/19/lacson-teaching-people-how-to-corrupt-media-the-real-danger-to-democracy/
Itinanggi ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson nitong Sabado ang mga pahayag nina Sen. Alan Peter at Pilar Juliana Cayetano hinggil sa "selective justice" at "intimidation," at hinamon silang harapin sa halip ang mga isyung ibinabato laban sa kanila.

https://pinglacson.net/2026/09/19/lacson-debunks-cayetanos-selective-justice-and-intimidation-claims-if-you-throw-stones-be-ready-to-defend-yourself/
Nakadiskubre ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ng hindi bababa sa 13 titulo na sumasaklaw sa kabuuang 170 ektarya ng unauthorized encroachment sa panig ng Taguig City ng Laguna Lake, ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson nitong Sabado.

https://pinglacson.net/2026/09/19/lacson-pra-finds-13-titles-covering-unauthorized-encroachment-on-laguna-lake-from-taguig/
Maaaring kailanganin ng senator-judges ng dagdag na panahon upang pag-aralan ang voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio bago magpasya sa usapin, ayon kay Senator-Judge Panfilo "Ping" Lacson nitong Sabado.

https://pinglacson.net/2026/09/19/lacson-senator-judges-may-need-more-time-before-deciding-impeachment-voting-threshold/
Tiniyak ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules kay Sen. Alan Peter Cayetano na hindi ito nag-iisa sa pagharap sa pagsisiyasat kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.

https://pinglacson.net/2026/09/23/lacson-to-cayetano-dont-worry-youre-not-alone-in-flood-control-mess/
Itinulak ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson nitong Huwebes ang mas malaking bahagi ng mga self-generated revenues, o ang kita mula sa income-generating activities ng Department of Justice (DOJ) at mga attached agency nito, upang mas magampanan nila ang kanilang mga mandato.

https://pinglacson.net/2026/09/24/lacson-pushes-bigger-slice-of-self-generated-revenues-for-doj-agencies/
Ang konklusyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na walang ghost projects sa Taguig City ay salungat sa mga site inspection report mismo ng kanyang ahensya, ani Sen. Panfilo “Ping” Lacson Biyernes ng gabi.

https://pinglacson.net/2026/09/26/lacson-dizons-no-ghost-projects-claim-contradicts-dpwh-site-inspection-reports/
Ang pananagutan o accountability, na nakasaad sa 1987 Constitution, ay kapwa sandata laban sa korapsyon at kalasag ng mga tapat na lingkod-bayan — at ang prinsipyong ito ay naaangkop sa mga kontrobersiya gaya ng flood control scandal, diin ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson nitong Sabado.

https://pinglacson.net/2026/09/26/lacson-accountability-is-enemy-of-corrupt-shield-of-honest-public-servants/
Ang isang makatarungang desisyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio na batay sa ebidensya ay makatutulong upang magkaroon ng kinakailangang katatagan ang bansa, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado.

https://pinglacson.net/2026/09/26/lacson-fair-evidence-based-decision-on-impeachment-trial-will-bring-stability-to-the-country/
Kailan pa napunta sa Leyte ang Taguig? Ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, ito ang kailangang ipaliwanag ni DPWH Sec Vince Dizon, matapos lumabas sa mismong ulat ng ahensya ang detalyeng sumasalungat sa pahayag nitong walang ghost projects sa Taguig.

Detalye sa: https://pinglacson.net/2026/09/27/lacson-to-dpwh-chief-explain-how-taguig-project-has-dpwh-geotagged-photos-in-leyte/
Nagbabala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vivencio “Vince” Dizon na maaaring maharap sa posibleng criminal liability ang sinumang sangkot sa pagtatakip sa mga anomalya sa mga infrastructure project sa Taguig City.

https://pinglacson.net/2026/09/28/lacson-warns-dpwh-secretary-of-possible-criminal-liability-over-taguig-project-cover-up/
Nagpasalamat si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes ng gabi kay DPWH Secretary Vivencio “Vince” Dizon sa paglilinaw nito na patuloy pang iniimbestigahan ang mga flood control project sa Taguig City kaugnay ng mga umano’y iregularidad, sabay nagbabala muli laban sa maagang konklusyon na walang mga ghost project.

https://pinglacson.net/2026/09/29/lacson-thanks-dizon-for-clarification-cautions-against-premature-no-ghost-projects-conclusion/