Ping Lacson Updates
29 subscribers
1.06K photos
55 videos
1.62K links
Maintained by the Office of Sen. Ping Lacson
Download Telegram
Isinusulong ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes ang pagbabalanse sa "meaningful taxpayer relief" at sa tuluy-tuloy na kita ng gobyerno, habang pinamunuan niya ang pagdinig ng Senado sa mga panukalang batas para sa estate tax amnesty.

https://pinglacson.net/2026/10/23/lacson-pushes-balance-between-taxpayer-relief-government-revenues-in-estate-tax-amnesty-measure/
Nakakuha ng suporta ng mga uniformed service at ahensya ng gobyerno ang mga panukalang batas ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na itaas mula 56 hanggang 57 ang compulsory retirement age ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

https://pinglacson.net/2026/10/23/lacson-bills-raising-pnp-bjmp-bfp-retirement-age-to-57-win-agency-support/
Inilahad ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado ang alok na ₱5 milyong “allocation fund” mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na aniya’y ipinarating sa pamamagitan sa kanyang Senate staff nitong linggo.

https://pinglacson.net/2026/10/24/lacson-declines-%e2%82%b15m-allocation-fund-offer-made-through-senate-staff/
Nagbabala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa mga ahensya ng gobyerno laban sa garapal na pag-aalok ng pondo ng badyet sa mga senador, kasunod ng pagsisiwalat niya sa isang alok na ₱5 milyon na “allocation fund” na iniuugnay sa TESDA.

https://pinglacson.net/2026/10/24/lacson-warns-agencies-against-brazen-offers-of-budget-funds-to-senators/
Upang maiwasang mapasukan ng korapsyon ang panukalang 2027 national budget, isinusulong ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na patuloy na umandar ang mga kamera para sa livestream kahit suspendido ang deliberasyon, partikular sa bicameral conference committee o bicam.

https://pinglacson.net/2026/10/24/lacson-keep-cameras-rolling-even-during-budget-bicam-suspensions/
Umaasa at nananalangin si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mabigyan ng due process si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at, kung sakaling maaresto ito, na maging mapayapa ang pag-aresto at walang humantong sa trahedya.

https://pinglacson.net/2026/10/25/lacson-hopes-prays-for-peaceful-arrest-and-due-process-for-bato/
Maaaring mas ligtas si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na manatili sa Pilipinas kaysa makipagsapalaran sa ibang bansa, dahil sa internasyonal na katangian ng arrest warrant laban sa kanya, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes.

https://pinglacson.net/2026/10/26/lacson-bato-safer-in-ph-than-abroad-with-international-warrant-from-icc/
Lalong nagiging palaisipan ang alok na P5-milyong “allocation fund” na iniuugnay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), matapos kuwestiyunin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes kung bakit hindi itinanggi ng ahensya na mayroon itong staff na nagngangalang “Stephanie” na umano’y lumapit sa kanyang tanggapan upang ihatid ang alok.

https://pinglacson.net/2026/10/26/lacson-why-didnt-tesda-deny-having-staff-named-stephanie/
Lalong tumatag ang paninindigan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na protektahan ang pondo ng bayan matapos makipag-ugnayan sa mga budget advocacy group sa isang pagdinig nitong Lunes, kahit na nakadama siya ng magkahalong panghihina ng loob at pag-asa.

https://pinglacson.net/2026/10/27/engaging-with-budget-advocacy-groups-strengthens-lacsons-resolve-to-protect-public-funds/
Tinawag ni Senate Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes na kalokohan (foolish) ang mungkahing tatanggihan ng mga senador ang posibleng nomination bilang Bise Presidente sakaling mahatulan at matanggal sa puwesto si Vice President Sara Duterte-Carpio.

https://pinglacson.net/2026/10/27/lacson-proposition-to-reject-vp-appointment-if-duterte-convicted-is-foolish/
Kinilala ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo si Sen. Panfilo “Ping” Lacson bilang nag-iisang senador na walang kinalaman sa mga commitment o kickback mula sa mga proyekto sa imprastraktura ng gobyerno, batay sa personal niyang kaalaman.
https://pinglacson.net/2026/10/30/lacson-the-only-senator-without-infrastructure-projects-former-dpwh-usec-bernardo-testifies/
Kailangan ang tuloy-tuloy na pagbabantay upang matiyak na pinoprotektahan ng batas ang mamamayan sa halip na gamiting panangga sa mga tiwali, lalo na ngayong tinatalakay ang panukalang 2027 budget, ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson.

https://pinglacson.net/2026/10/30/lacson-sustained-vigilance-needed-to-ensure-laws-protect-the-people-not-shield-the-corrupt/
Walang makakaligtas sa masusing pagsusuri ng Senado sa panukalang pambansang budget para sa 2027, maging ang mga malapit sa Pangulo, dahil "gung-ho" ang mga senador na itama ang mga kuwestiyonableng alokasyon, diin ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson.
https://pinglacson.net/2026/10/31/lacson-no-sacred-cows-as-senate-goes-gung-ho-on-2027-budget-review-reforms/
Buo ang suporta ng mayorya ng Senado sa pagsisikap ni Senate Finance Committee Chairman Jose Victor “JV” Ejercito na alisin sa panukalang pambansang budget para sa 2027 ang mga “unwarranted, whimsical, and corruption-prone items” - at “all means all” ang kanilang pagsusuri, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo.

https://pinglacson.net/2026/11/01/lacson-on-senate-majority-unity-in-purging-2027-budget-bill-of-pork-all-means-all/
"Secrecy discipline” ang susi sa paghahanap sa mga high-profile na target o paghawak sa mga sensitibong kaso, maliban kung kailangan ang disinformation upang mapalabas ang target at mahuli ito, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo.

https://pinglacson.net/2026/11/01/lacson-secrecy-discipline-key-in-pursuing-high-profile-targets/
Ang due process para kay Sen. Ronald dela Rosa ay hindi panangga sa kanyang paglilitis sa International Criminal Court (ICC), giit ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes.

https://pinglacson.net/2026/11/03/lacson-due-process-does-not-mean-shielding-bato-from-icc-trial/
Ang paggalang sa awtoridad ng mga lokal na korte sa Pilipinas at pagsunod sa tamang proseso ng batas ay dapat maging bahagi ng due process na nararapat matamasa ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson nitong Miyerkules.

https://pinglacson.net/2026/11/04/lacson-respect-courtesy-for-local-courts-part-of-due-process-for-bato/
Maaaring maging susi ang pagsasama ng galit ng publiko at patuloy na pagmamatyag upang labanan ang kasakiman at pakapalan ng mukha ng mga mambabatas na nasa likod ng mga kuwestiyonableng pagsingit sa panukalang 2027 national budget, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules.

https://pinglacson.net/2026/11/04/when-anger-meets-vigilance-lacson-says-public-indignation-and-vigilance-key-to-cleaning-up-2027-budget/
Papalawakin ng Senado ang mga hakbang nito para matiyak ang transparency sa badyet ngayong taon sa pamamagitan ng pagsusulong ng tuloy-tuloy na livestreaming ng mga pagdinig ng bicameral conference committee sa panukalang 2027 national budget at pagkakaroon ng mga transcript ng mga talakayan dito, ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson nitong Linggo.

https://pinglacson.net/2026/11/08/lacson-senate-to-expand-budget-transparency-push-with-bicam-transcripts-continuous-livestreaming/
Maaaring i-cite for contempt at patawan ng kaukulang parusa ang mga saksi na ginagawang katatawanan ang Senado bilang Impeachment Court na dumidinig sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio, paalala ni Senator-Judge Panfilo "Ping" Lacson nitong Martes.

https://pinglacson.net/2026/11/10/lacson-witnesses-who-disrespect-impeachment-court-may-face-contempt/