⁉️ Ano ang Payo sa Taong Natatakot Bumalik sa Mga Klase? ⁉️
1️⃣5️⃣1️⃣
السلام عليكم ورحمة الله وبركاته
May Allāh preserve you and protect you in well-being. آمين
What advice can you give to someone who isn't attending classes in the masjid or online because they're afraid of being left behind, like no one will pay attention to her or she'll be treated differently. She's also worried that the bond she had with her friends might not be the same again because she's been absent from classes for a long time.
———
🟢
————
✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajb 07, 1447H | Disyembre 27, 2025

وعليكم السلام ورحمة الله وبركاته.
Ito ay mula sa waswas (bulong) ng Shayṭān. At nabanggit na natin nang ilang ulit ang kahalagahan ng pagsasaliksik ng kaalaman; kaya balikan ninyo ang mga recorded audios, at sikapin nating magsaliksik ng kaalaman.
At para sa mga laging dumadalo sa mga klase, kinakailangan nating malaman kung paano makitungo sa ating mga kapatid na may kahinaan sa pagsasaliksik ng kaalaman. Payuhan natin sila at tulungan sa pagsasaliksik ng kaalaman—tulad ng pagsundo sa kanila, pakikinig ng mga lectures nang magkakasama, at iba pa.
بارك الله فيكم
————
✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajb 07, 1447H | Disyembre 27, 2025
⁉️Ipinahihintulot Ba sa Isang Babae ang Tumingin sa mga Kalalakihan?⁉️
1️⃣5️⃣1️⃣Ang Tanong:
السلام علیکم ورحمته الله وبرکاته
Ang aking tanong ay bilang isang babae ay pwede ba akong makatingin sa mata ng lalaki? Dahil may sitwasyon po na lumalakad ako at hindi ko sinasadyang makatingin at minsan ay napapatingin ako kapag tumitingin ito saakin.
Mayroong mga scholars/Sheik na nag sasabi na walang masama tumingin ang babae sa lalaki kung hindi naman sya na aatract at walang halong desire dito.
May pagkaiba ba talaga ang sinabi ng Allāhu ta'ala sa banal na Qur'an na "lower your gaze" sa babae at lalaki?
Jazakumullahu khayran.
———
————————
✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Khamīs Mushayṭ
🗓 Rajb 08, 1447H | Disyembre 28, 2025

🟢 Ang sagot:
وعليكم السلام ورحمة الله وبركاته.
1️⃣Ang Unang Punto: Ang Biglaang Pagtingin sa Hindi Maḥram
Mula kay Jarīr ibn ʿAbdillāh na nagsabi: Tinanong ko ang Sugo ng Allāh ﷺ tungkol sa biglaang pagtingin, kaya inutusan niya ako na ilihis ang aking paningin.
[Iniulat ni at-Tirmidhī (2777)]
At sinabi ng Propeta ﷺ:
يَا عَلِيُّ لا تُتْبِعْ النَّظْرَةَ النَّظْرَةَ فَإِنَّ لَكَ الأُولَى وَلَيْسَتْ لَكَ الآخِرَةُ
O ʿAlī, huwag mong sundan ang isang tingin ng isa pang tingin, sapagkat ang una ay para sa iyo (at wala kang kasalanan), subalit ang ikalawa ay hindi na para sa iyo.
[Iniulat ni at-Tirmidhī (2701)]
——
2️⃣Ang Ikalawang Punto: Ang Tamang Opinyon Hinggil sa Pagtingin ng Kababaihan sa Hindi Maḥram
Sinabi ni Ibn Kathīr sa kanyang Tafsīr sa Sūrah an-Nūr, talatang 31:
Kaya ang Kanyang Kasabihan, ang Kataas-taasan: (“At sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na ibaba nila ang kanilang mga paningin”) —
ibig sabihin, mula sa mga ipinagbawal sa kanila ng Allāh na pagtingin sa iba maliban sa kanilang mga asawa.
Dahil dito, ang opinyon ng karamihan sa mga ʿUlamāʾ (iskolar) ay hindi ipinapahintulot sa isang babae na tumingin sa mga ajnabī (mga lalaking hindi niya maḥram), maging may shahwah (pagnanasa) o wala, sa anumang paraan.
At ginawa ng marami sa kanila bilang katibayan ang iniulat ni Abū Dāwūd at at-Tirmidhī, mula sa ḥadīth ni az-Zuhrī, mula kay Nabḥān — ang pinalayang alipin ni Umm Salamah — na iniulat niya mula kay Umm Salamah, na siya ay kasama ng Sugo ng Allāh ﷺ at si Maymūnah.
Sinabi niya: Habang kami ay kasama niya, dumating si Ibn Umm Maktūm, at pumasok siya sa kinaroroonan namin, at ito ay matapos na kami ay inutusan na magsuot ng ḥijāb. Kaya sinabi ng Sugo ng Allāh ﷺ: “Magtakip kayo (at magsuot ng ḥijāb) mula sa kanya.”
Sinabi ko: O Sugo ng Allāh, hindi ba siya bulag at hindi niya kami nakikita ni nakikilala?
Sinabi ng Sugo ng Allāh ﷺ: “Kayo ba ay dalawa ring bulag? Hindi ba ninyo siya nakikita?”
————————
✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Khamīs Mushayṭ
🗓 Rajb 08, 1447H | Disyembre 28, 2025
⚠️𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗗𝘂𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝘁𝗻𝗮𝗵⚠️
Sinabi ni al-Ḥāfiẓ adh-Dhahabī رحمه الله:
فَتمسَّكْ بِالسّنَة، وألزم الصَّمْت، وَلاَ تَخضْ فِيمَا لاَ يَعْنِيكَ، وَمَا أَشكلَ عَلَيْكَ فَرُدَّهُ إِلَى اللهِ وَرَسُوْلِه، وَقِفْ، وَقُلْ: اللهُ وَرَسُوْلُه أَعْلَمُ.
Panghawakan mo ang Sunnah, manatili sa katahimikan, at huwag makialam sa mga bagay na walang kinalaman sa’yo
At anumang hindi malinaw sa iyo, ibalik mo ito sa Allāh at sa Kanyang Sugo.
Huminto ka, at sabihin mo: “Ang Allāh at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam”.
— Siyar A‘lam an-Nubalā’ (20/142)
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Khamīs Mushayṭ
🗓 Rajb 09, 1447H | Disyembre 29, 2025

👍6💯2
الساعة الواحدة ظهرا بتوقيت مكة بإذن الله، ستكون كليمة إلى إدارة مدرسة الحكمة الإسلامية بمدينة دافاو بالفلبين.
Magbibigay si Shaykh ‘Arafāt al-Muhammadī حفظه الله ng paalala para sa Wisdom Islamic School sa ganap na 1:00 PM (Makkah time) at 6:00 PM (Philippines time).
https://t.me/Arafatbinhassan/16608
Magbibigay si Shaykh ‘Arafāt al-Muhammadī حفظه الله ng paalala para sa Wisdom Islamic School sa ganap na 1:00 PM (Makkah time) at 6:00 PM (Philippines time).
https://t.me/Arafatbinhassan/16608
👍1
“Isasalin ang paalala ni Shaykh ‘Arafāt al-Muhammadī حفظه الله sa Telegram at Facebook channel ng Salafi Da‘wah Davao ngayong 8:30 PM, in shā’ Allāh.
May nakita akong isang post ng isang Dā‘ī أصلحه الله na nagsasabing pinahihintulutan daw ang pakikilahok sa family reunion na ginaganap sa araw ng pagdiriwang ng mga hindi-Muslim.
Binanggit niya bilang kanyang katibayan ang mga kasabihan nina Ibn Taymiyyah sa Majmū‘ al-Fatāwā, Shaykh Ibn ‘Uthaymīn sa kanyang paliwanag ng Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn, al-Qarāfī sa al-Furūq, at Shaykh al-Fawzān sa al-Muntaqā.
Hinanap ko ang mga tekstong binanggit sa post sa mga aklat ng mga iskolar na ito, ngunit wala akong nahanap. Malaki ang posibilidad na galing lamang ito sa AI.
Kaya mag-ingat tayo kung saan natin kinukuha ang ating kaalaman.

💯3👍2
Forwarded from Salafi Daʿwah Davao
📚 ONLINE CLASS PARA SA MGA BAGUHAN
🗂 Ang Pinadaling Tafsīr (Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Qurʾān)
📖 Dars #6 | Sūrah al-Kāfirūn
🎙 Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Mamayang 8PM – In shā’ Allāh
📡 LIVE sa:
🔗 t.me/SalafiDVO
🗂 Ang Pinadaling Tafsīr (Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Qurʾān)
📖 Dars #6 | Sūrah al-Kāfirūn
🎙 Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Mamayang 8PM – In shā’ Allāh
📡 LIVE sa:
🔗 t.me/SalafiDVO
Ano ang “masaya” sa Bagong Taon, kung nabawasan ng isang taon ang ating buhay at tayo’y lalo pang napalapit sa ating libingan?
💻 𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗜 💻
Sinabi ni Ibn Sirīn (p. 110H) رحمه الله:
لَمْ يَكُونُوا يَسْأَلُونَ عَنِ الإِسْنَادِ، فَلَمَّا وَقَعَتِ الْفِتْنَةُ قَالُوا: سَمُّوا لَنَا رِجَالَكُمْ، فَيُنْظَرُ إِلَى أَهْلِ السُّنَّةِ فَيُؤْخَذُ حَدِيثُهُمْ، وَيُنْظَرُ إِلَى أَهْلِ الْبِدَعِ فَلَا يُؤْخَذُ حَدِيثُهُمْ.
Hindi nila tinatanong noon tungkol sa Isnād, at nang dumating ang Fitnah, sinabi nila: “Pangalanan ninyo sa amin ang inyong mga tao.” Kaya’t tinitingnan nila ang Ahl as-Sunnah at kinukuha ang kanilang ḥadīth, at tinitingnan nila ang Ahl al-Bid‘ah at hindi kinukuha ang kanilang ḥadīth.
📚 [Muqaddimah Ṣaḥīḥ Muslim]
Sabi ko: Kung ito ang kalagayan nila sa panahon na buhay pa ang mga Ṣaḥābah, ano na lamang sa panahon natin ngayon, kung saan may mga iilang tao na hindi natatakot na tatanungin sila ng Allāh tungkol sa mga kasinungalingan at kaligawan na kanilang ipinapalaganap sa Internet—mga bagay na wala itong kinalaman sa relihiyon na ibinaba ng Allāh.
Kaya kunin ninyo itong Qāʿidah ng mga Salaf: huwag kayong kumuha ng kaalaman mula sa kahit kanino hangga’t hindi ninyo nalalaman ang kanyang ʿAqīdah at Manhaj.
————————
✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Khamīs Mushayṭ, KSA
🗓 Rajb 12, 1447H | Enero 01, 2026

👍5😢1
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
💻 𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗜 💻 Sinabi ni Ibn Sirīn (p. 110H) رحمه الله: لَمْ يَكُونُوا يَسْأَلُونَ عَنِ الإِسْنَادِ، فَلَمَّا وَقَعَتِ الْفِتْنَةُ قَالُوا: سَمُّوا لَنَا رِجَالَكُمْ، فَيُنْظَرُ إِلَى أَهْلِ السُّنَّةِ…
[Ang Pagbisita kay Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله]
الحمد لله زرنا الشيخ يحيى النهاري حفظه الله، وقد تحسَّنت صحته، واستفدنا من علمه وأدبه، ونصحنا أن نشتغل بطلب العلم والدعوة إليه، وأن نربط الناس بالعلماء، وألّا نتدخّل في الفتن.
جزى الله الشيخ خيرًا، وألبسه الصحة والعافية.
Alḥamdulillāh, binisita namin si Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله, at medyo gumaling ang kanyang kalusugan.
Nakinabang kami mula sa kanyang kaalaman at pag-uugali, at pinayuhan niya kami na mag-focus sa pagsasaliksik ng kaalaman at pagpalaganap nito, at iugnay ang mga tao sa mga ‘Ulamā’, at huwag makisalo sa mga Fitnah.
Nawa’y gantimpalaan ng Allāh si Shaykh Yaḥyā, at biyayaan siya, at bigyan siya ng magandang kalusugan.
————————
✍️ Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026

👍5⚡1❤1💯1
Youth Who Changed the World - Lessons from the Young Sahaabah | Ustaadh Ihsaan ibn Daawood
https://www.youtube.com/live/D9jJ-hDTN4g?si=qdoe_RJJm9oSVyvC
https://www.youtube.com/live/D9jJ-hDTN4g?si=qdoe_RJJm9oSVyvC
❤1
Sa huling klase ko sa Tafsīr ng Sūrah al-Kāfirūn, nabanggit ko na binasa ng Propeta ﷺ ang Sūrah al-Kāfirūn sa ikatlong Rakʿah ng Witr.
Subalit ang tama ay: binasa niya ang Sūrah al-Kāfirūn sa ikalawang Rakʿah, at sa ikatlong Rakʿah naman ay binasa niya ang Sūrah al-Ikhlāṣ.
Inayos ko na rin ito sa recording.
Subalit ang tama ay: binasa niya ang Sūrah al-Kāfirūn sa ikalawang Rakʿah, at sa ikatlong Rakʿah naman ay binasa niya ang Sūrah al-Ikhlāṣ.
Inayos ko na rin ito sa recording.
✍2👍2
Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله, ang iilang mga katanungan, ipo-post ko lang dito ang kasagutan In Shā Allāh
Kung may katanungan kayo na gusto ipatanong sa mga Mashaykh, ipadala lang ninyo sa Google Form
https://forms.gle/NJ3mK1BbPCJB4zYg7
Kung may katanungan kayo na gusto ipatanong sa mga Mashaykh, ipadala lang ninyo sa Google Form
https://forms.gle/NJ3mK1BbPCJB4zYg7
Audio
⁉️ Magkakasala Ba ang Isang Tao Kung Hindi Siya Makapunta sa Walīmah? ⁉️
1️⃣5️⃣2️⃣ [Rephrased] Magkakasala ba ang isang tao kung hindi siya dumalo sa Walīmah (ng kasal) dahil may iba siyang kailangang gawin?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣2️⃣ [Rephrased] Magkakasala ba ang isang tao kung hindi siya dumalo sa Walīmah (ng kasal) dahil may iba siyang kailangang gawin?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
Hindi. Ang pagdalo sa Walīmah ay Wājib (isang obligasyon na nararapat puntahan).
Subalit kung may mahalaga siyang kailangang asikasuhin at hindi niya ito kaya, hindi siya nagkakasala.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍3
Audio
⁉️ Ang Pagbibigay ng Regalo sa Kasal ng Isang Kafir ⁉️
1️⃣5️⃣3️⃣ [Rephrased] Pwede po bang magbigay ng regalo sa kasal ng isang Kafir (hindi-Muslim)?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣3️⃣ [Rephrased] Pwede po bang magbigay ng regalo sa kasal ng isang Kafir (hindi-Muslim)?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
[Buod] Tinanggap ng Propeta ﷺ ang regalo mula sa mga hindi-Muslim, at nagbigay rin siya ng regalo sa mga hindi-Muslim.
Kaya kung ito ay para sa kanilang kasal, at bilang isang dahilan upang mapalambot ang kanilang mga puso, at maging sanhi ng pagpasok nila sa Islām, wala itong problema, lalo na sa kanilang kasal.
Ngunit kung ito ay nagpapakita o sumusuporta sa kanilang pagdiriwang na may Shirk at Kufr, hindi ipinapahintulot ang pagbigay ng regalo o ang pagtanggap nito, sapagkat ito ay kabilang sa mga ritwal ng Kufr.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍7
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Audio
⁉️ Ang Paglagay ng Bandila sa Kasal ⁉️
1️⃣5️⃣4️⃣ [Rephrased] Sa aming bansa, may ilang tao na naglalagay ng bandila (flag) sa mga okasyon tulad ng kasal. Mahuhulog ba ito sa ‘Ādah (kasanayan) o Bid‘ah?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣4️⃣ [Rephrased] Sa aming bansa, may ilang tao na naglalagay ng bandila (flag) sa mga okasyon tulad ng kasal. Mahuhulog ba ito sa ‘Ādah (kasanayan) o Bid‘ah?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
Kung ang bandilang ito ay isang bagay na kinilala ng mga tao bilang palatandaan na ang isang lugar ay may kasal, ito ay itinuturing na pag-aanunsyo at paglalantad ng kasal sa publiko, at wala itong problema.
Ngunit kung ang bandilang ito ay nagpapahiwatig ng ibang bagay, tulad ng isang Munkar (masama o kasalanan), hindi ito ipinapahintulot—hindi dahil sa bandila mismo, kundi dahil sa Munkar na ipinahihiwatig nito, sapagkat inaanyayahan nito ang iba tungo rito at ipinahahayag ito sa publiko.
Kaya, ang hatol sa paglalagay ng bandila ay nakabatay sa layunin nito. Kung ito ay para sa pag-aanunsyo ng kasal, upang malaman ng mga tao na may kasal sa lugar na iyon, wala itong problema, at ito ay kabilang sa pag-aanunsyo ng kasal.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍5
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Audio
⁉️ Ang Pagpilit ng Magulang sa Anak na Babae na Magtrabaho at Gumastos sa Pamilya ⁉️
1️⃣5️⃣5️⃣ [Rephrased] Sa aming bansa, may ilang magulang na gumagastos sa pag-aaral ng kanilang mga anak na babae.
Subalit kapag sila ay nakapagtapos na, pinipilit nila itong magtrabaho. Pinipilit din silang magbigay ng pera sa kanilang mga magulang, at kapag hindi sila nakapagbigay, nagagalit ang mga ito.
Minsan ay pinipilit pa silang magtrabaho sa ibang bansa dahil mas mataas ang sahod doon, at inaatasan silang tustusan ang kanilang mga kapatid na lalaki at babae, lalo na sa kanilang pag-aaral hanggang makapagtapos ng kolehiyo.
Ano po ang nararapat na gawin ng isang babae sa ganitong sitwasyon?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣5️⃣ [Rephrased] Sa aming bansa, may ilang magulang na gumagastos sa pag-aaral ng kanilang mga anak na babae.
Subalit kapag sila ay nakapagtapos na, pinipilit nila itong magtrabaho. Pinipilit din silang magbigay ng pera sa kanilang mga magulang, at kapag hindi sila nakapagbigay, nagagalit ang mga ito.
Minsan ay pinipilit pa silang magtrabaho sa ibang bansa dahil mas mataas ang sahod doon, at inaatasan silang tustusan ang kanilang mga kapatid na lalaki at babae, lalo na sa kanilang pag-aaral hanggang makapagtapos ng kolehiyo.
Ano po ang nararapat na gawin ng isang babae sa ganitong sitwasyon?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
[Slightly Paraphrased] Obligado sa ama na tustusan niya ang kanyang anak na babae, gayundin ang kanyang mga anak, upang magampanan ng anak na babae ang kanyang mga obligasyon.
Kinakailangan sa ama na gumastos para sa kanya. Kung kailangan niyang mag-aral, nararapat na pag-aralin at turuan siya, at ang pagtuturo sa kanya ay mainam kung may kabutihan ito para sa kanyang relihiyon at paniniwala.
Hinikayat ng Propeta ﷺ ang kaalaman at ang pagsasaliksik nito, maging para sa anak na lalaki o babae—para sa lahat. Sinabi niya: “Sinuman ang tumahak ng landas upang magsaliksik ng kaalaman, padadaliin ng Allāh ang kanyang landas patungo sa Paraiso.” Ito ay para sa lalaki at babae. Kaya kung siya ay nag-aaral sa mga paaralan ng Sharī‘ah o sa mga agham ng Sharī‘ah, kinakailangan niya itong gawin.
Ito ay kabilang sa obligasyon ng ama sa kanyang anak na babae. Dapat ding malaman na ang anak na babae ay isang malaking biyaya para sa isang alipin. Sinabi ng Propeta ﷺ: “Sinuman ang may tatlong anak na babae at inayos ang pagpapalaki sa kanila, sila ay magiging proteksyon niya mula sa Apoy.” Sinabi nila: “At kung dalawa?” Sinabi niya ﷺ: “At kung dalawa.”
Ito ang dapat malaman ng ama. Ngunit ang pag-uutos sa kanya at ang sapilitang pagpapatrabaho sa kanya ay mas mainam na iwasan, sapagkat maaari itong maging dahilan ng pakikihalubilo niya sa mga kalalakihan at maging sanhi ng Fitnah. Kaya nararapat na mag-ingat dito.
Ang pagpilit sa kanya na magtrabaho ay hindi nararapat. Bagkus, kinakailangan na pigilan siya rito, at hindi siya dapat magtrabaho maliban na lamang kung mapangangalagaan niya ang kanyang relihiyon—halimbawa, kung siya ay nasa kapaligiran ng kababaihan lamang, at katulad nito.
Sa ganitong kalagayan lamang maaaring magtrabaho. Ngunit kinakailangan ba talaga niyang magtrabaho? Ang sagot ay hindi. Bagkus, kinakailangan sa ama na alagaan at protektahan siya, upang hindi siya mapasailalim sa pang-aabuso ng iba at upang maiwasan ang alitan. Ito ang wājib (obligasyon) sa mga may awtoridad (tulad ng ama).
Ngunit kung ginagawa niya ito dahil lamang sa paghahanap-buhay o dahil sa Dunyā, kinakailangan niyang katakutan ang Allāh. Dapat niyang malaman na ang Rizq (panustos) ay nakatakda na—hindi ito madadagdagan o mababawasan. Gayundin ang Rizq ng kanyang anak na babae ay nakatakda na rin—hindi ito madadagdagan o mababawasan.
Ang Siyang lumikha sa kanya at nangalaga sa kanya, at ang lumikha sa iyo—ikaw na ama—at nagbigay sa iyo ng Rizq, katakutan mo ang Allāh tungkol sa iyong mga anak na babae. Katakutan mo ang Allāh sa pagtayo mo kasama nila, upang sila ay sumunod sa Allāh at hindi sumuway sa Kanya.
[Follow-up question sa Tanong #156]
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍3❤1