Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Audio
⁉️ Ang Pag-antala ng Kasal Dahil sa Pagpilit sa Babae na Magtrabaho ⁉️
1️⃣5️⃣6️⃣ [Follow-up sa Sagot sa Tanong #155] Minsan, dahil sa trabaho—kapag pinipilit ang babae na magtrabaho hanggang makapagtapos ang kanyang mga kapatid—naantala (delay) ang kanyang kasal. Dahil dito, umaabot ang kanyang edad nang lampas tatlumpu (30), at nahihirapan na siyang makapag-asawa. Ano ang maipapayo niyo?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026

Gayundin, pinapayuhan namin ang ama na alagaan ang kanyang anak na babae at huwag siyang pabayaan na magtrabaho, maliban na lamang kung ang kanyang trabaho ay kasama lamang ang mga kababaihan, kung saan hindi siya mailalagay sa Fitnah, Tabarruj (pagpapakita ng kagandahan sa mga kalalakihan), at paghahalo sa mga kalalakihan. Ito ang nararapat na gawin ng ama.
Ito ang wājib (obligasyon) sa kanya. Ngunit ang pagpilit sa kanya na magtrabaho, at dahil dito ay naantala ang kanyang pag-aasawa, ay kabilang sa mga asbāb (mga dahilan) ng kapahamakan ng babae at ng anak na babaeng ito, sapagkat siya ay nagiging abala sa trabaho.
Sino ang magnanais sa kanya habang siya ay abala sa trabaho, malayo sa kanyang tahanan at pamilya? Samantalang ang lalaki ay nagnanais na ang babae ay nasa bahay at kasama niya, at hindi niya nais na ito ay empleyada na palaging lumalabas.
Ito ay kabilang sa mga dahilan ng pag-antala ng kanyang kasal at dahilan upang siya ay maging isang matandang-dalaga.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍5❤1
Audio
⁉️Ang Pagbili Mula sa Kainan na Dating Nagbebenta ng Pagkain na May Baboy⁉️
1️⃣5️⃣7️⃣ [Paraphrased] Pinahihintulutan bang bumili ng pagkain mula sa isang kainan na pag-aari ng isang Kristiyano na dati ay nagbebenta ng karne ng baboy, ngunit dahil kakaunti ang mga bumibili ay sinabi nilang ngayon ay “Ḥalāl” na ang kainan at hindi na sila nagbebenta ng karne ng baboy?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣7️⃣ [Paraphrased] Pinahihintulutan bang bumili ng pagkain mula sa isang kainan na pag-aari ng isang Kristiyano na dati ay nagbebenta ng karne ng baboy, ngunit dahil kakaunti ang mga bumibili ay sinabi nilang ngayon ay “Ḥalāl” na ang kainan at hindi na sila nagbebenta ng karne ng baboy?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
Oo, walang problema. Kung siya ay Kristiyano, ipinapahintulot ang pagkain mula sa kanilang mga kagamitan (utensils) at mula sa kanilang pagkain.
Ipinahintulot ng Allāh sa atin ang pagkain ng mga Ahl al-Kitāb (mga Kristiyano at mga Hudyo), kung hindi sila gumagawa ng Ḥarām. Subalit kung nalaman na gumagamit pa rin siya ng baboy, kung gayon ay hindi ito ipinapahintulot.
Hindi ito dahil siya ay Kristiyano, kundi upang magamit sa Ḥarām.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍1
Audio
⁉️ Ang Hatol ng Pagdo-donate ng Gatas ng Ina ⁉️
1️⃣5️⃣8️⃣ [Paraphrased] Ano ang hatol sa pagdo-donate ng gatas ng ina sa isang sentro? May ilang nagsasabi na wala raw itong epekto sa hatol ng raḍāʿah (pagiging magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagpapasuso), sapagkat ang sanggol ay hindi naman direktang sumususo mula sa babae.
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣8️⃣ [Paraphrased] Ano ang hatol sa pagdo-donate ng gatas ng ina sa isang sentro? May ilang nagsasabi na wala raw itong epekto sa hatol ng raḍāʿah (pagiging magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagpapasuso), sapagkat ang sanggol ay hindi naman direktang sumususo mula sa babae.
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
Bagkus, may epekto ito. Halimbawa, kung ang gatas ay ginawang powdered milk, mananatili pa rin ang hatol nito tulad ng pag-inom ng bata mula sa dibdib ng kanyang ina.
Hangga’t ito ay nagmula sa gatas ng isang babae, mananatili ang mga aḥkām (mga hatol). Kaya kung uminom ang bata mula sa kanya ng limang beses na nakakabusog, siya ay ituturing na kanyang ina sa pagpapasuso.
[Follow-up na tanong sa #159]
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
❤3👍1
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Audio
⁉️ Kinakailangan Ba na Sunod-sunod ang Pagpapadede sa Isang Babae? ⁉️
1️⃣5️⃣9️⃣ [Follow-up sa tanong #158]
Tungkol sa limang pagpapasuso, kinakailangan ba na ito ay sunod-sunod?
1️⃣6️⃣0️⃣ [Ikatlong Follow-up]
Paano kung siya ay dumede ng tatlong beses sa unang babae, pagkatapos ay dalawang beses sa ikalawang babae, at pagkatapos ay bumalik siya sa unang babae at uminom ng dalawang beses—mabibilang ba ito?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣5️⃣9️⃣ [Follow-up sa tanong #158]
Tungkol sa limang pagpapasuso, kinakailangan ba na ito ay sunod-sunod?
1️⃣6️⃣0️⃣ [Ikatlong Follow-up]
Paano kung siya ay dumede ng tatlong beses sa unang babae, pagkatapos ay dalawang beses sa ikalawang babae, at pagkatapos ay bumalik siya sa unang babae at uminom ng dalawang beses—mabibilang ba ito?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
[Buod] Hindi kinakailangan na sunod-sunod. Maaaring mangyari ito sa isang pag-upo. Maaari siyang sumipsip, ngunit kinakailangan na siya mismo ang magtanggal ng kanyang bibig, pagkatapos ay bumalik. Ngunit kung ito ay inalis sa kanya, hindi ito mabibilang.
Kung siya ay dumede hanggang sa mabusog at kusa siyang tumigil, ito ay ituturing na una. Pagkatapos, kung uminom siya muli nang kaunti at muling tumigil, ito ay ituturing na ikalawa.
Maaaring uminom ang sanggol ng limang beses sa isang pag-upo, at ito ay mabibilang bilang limang makabusog na pagpapadede.
Hindi malalaman kung ang sanggol ay nabusog maliban sa kanyang sarili, sapagkat kapag hindi pa siya busog ay hindi siya titigil. At kung inalis ito sa kanya, siya ay iiyak.
Sagot sa 1️⃣6️⃣0️⃣:
Ang unang babae ay magiging kanyang ina sa pagpapasuso. At kung siya ay babalik at iinom ng tatlong beses sa ikalawang babae, siya rin ay ituturing na kanyang ina sa pagpapadede.
Hindi kondisyon na iisa lamang ang kanyang ina sa pagpapasuso. Maaaring dalawa, o apat, sa loob ng dalawang taon. Maaaring sampu o dalawampu ang magpadede sa kanya—at silang lahat ay ituturing na kanyang mga ina sa pagpapasuso.
At ang Propeta ﷺ ay may dalawang ina sa pagpapasuso: si Ḥalīmah as-Saʿdiyyah at si Thuwaybah, ang pinalayang alipin ni Abū Lahab, na kanyang pinalaya nang binigyan ng balita tungkol sa Propeta ﷺ.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍3
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Audio
⁉️ Kapag Pinuri Ka ng mga Tao At Hindi Nag-Du'a Para Sa Iyo ⁉️
1️⃣6️⃣1️⃣ [Paraphrased] Ano ang isasagot o gagawin kapag pinuri ka ng isang tao o ng grupo ng mga tao at hindi sila nag-du‘ā’ ng barakah para sa iyo? Dahil sa evil eye na maaaring idulot nito, paano ito mapipigilan?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣6️⃣1️⃣ [Paraphrased] Ano ang isasagot o gagawin kapag pinuri ka ng isang tao o ng grupo ng mga tao at hindi sila nag-du‘ā’ ng barakah para sa iyo? Dahil sa evil eye na maaaring idulot nito, paano ito mapipigilan?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
[Slightly Summarized] Una, hindi dapat hangarin ng isang tao ang papuri ng mga tao, sapagkat hindi ito makikinabang sa iyo. Ano ang pakinabang mo kapag sinabi nila tungkol sa iyo ang ganito o ganyan? Itataas ka ba nito sa paningin ng Allāh? Ang sagot ay hindi.
Ito ay kabilang sa pagbibigay ng magandang balita sa mga Muslim na ang isang tao ay nasa kabutihan, subalit hindi niya ito dapat sundin. Sa halip, dapat siyang mag-ingat, sapagkat ito ay kabilang sa pamamaraan ni Shayṭān upang iligaw ka.
Magdadala siya ng isang tao na magsasalita tungkol sa iyo o pupuri sa iyo upang pagsamantalahan ang isang mapanganib na sakit—ang paghanga sa sarili—na magdudulot sa iyo ng pagkakamali, at hindi mo na babawiin ang iyong kamalian.
Paano ito nangyayari? Kapag iniisip ng tao: “Ganito ang tingin sa akin ng mga tao, at pinupuri nila ako.” Kaya dapat mag-ingat ang isang tao at sanayin ang kanyang sarili na hindi malugod sa mga papuri, sapagkat mas kilala niya ang kanyang sarili.
Alam niya ang kanyang mga pagkukulang at mga kamalian, at tayong lahat ay may kakulangan at pagkakamali. Kaya nararapat sa lahat na humingi ng kaligtasan sa Allāh at mag-ingat sa sarili.
Kung ang Imām ng mga Muwahhidīn ay natakot para sa kanyang sarili mula sa pagsamba sa mga rebulto—samantalang siya mismo ang sumira sa mga ito, napahamak sa landas ng Allāh, at iniligtas siya ng Allāh mula sa Impiyerno—ano ang kanyang sinabi?
﴿وَاجْنُبْنِي وَبَنِيَّ أَنْ نَعْبُدَ الْأَصْنَامَ﴾
“At ilayo Mo ako at ang aking mga anak sa pagsamba sa mga rebulto.”
﴿إِنَّهُنَّ أَضْلَلْنَ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ﴾
“Katotohanang inililigaw nila ang karamihan sa mga tao.”
At ang Propeta ﷺ ay nanalangin at nagsabi:
اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ أَنْ أُشْرِكَ بِكَ شَيْئًا وَأَنَا أَعْلَمُ، وَأَسْتَغْفِرُكَ لِمَا لَا أَعْلَمُ
“O Allāh, ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagtambal sa Iyo ng anuman habang alam ko, at humihingi ako ng kapatawaran sa Iyo para sa mga hindi ko nalalaman.”
At nararapat ding manalangin ang isang tao ng:
“O Allāh, gawin Mo akong mas mainam kaysa sa iniisip nila tungkol sa akin.”
Sapagkat mas kilala mo ang iyong sarili, kaya mag-ingat ang isang tao mula rito.
At kung sila ay nag-du‘ā’ para sa kanya—al-ḥamdulillāh. Kapag ang isang tao ay nag-du‘ā’ para sa kanyang kapatid, ito ay mabuti, at may anghel na magsasabi: “At para rin sa iyo.” Kaya bakit hindi siya mag-du‘ā’ para sa kanyang kapatid ng patnubay at tagumpay?
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍2❤1
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Audio
⁉️ Paano Kung Hindi Makasagawa ng Ṣalāh Dahil sa Klase? ⁉️
1️⃣6️⃣2️⃣ [Paraphrased] May klase ako sa major subject sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-7 ng gabi, at hindi ako makapagsagawa ng Ṣalāh ng Maghrib sa oras nito maliban na lamang kapag nakauwi na ako sa bahay. Paano ko po isasagawa ang aking Ṣalāh?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
1️⃣6️⃣2️⃣ [Paraphrased] May klase ako sa major subject sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-7 ng gabi, at hindi ako makapagsagawa ng Ṣalāh ng Maghrib sa oras nito maliban na lamang kapag nakauwi na ako sa bahay. Paano ko po isasagawa ang aking Ṣalāh?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله:
Kapag lumabas na ang oras ng Maghrib, magiging ḥarām sa kanya ang ipagpaliban ang Ṣalāh al-Maghrib, at siya ay pinagbabantaan ng kapahamakan.
Ngunit kung maaabutan niya ang kanyang bahay habang oras pa ng Ṣalāh ng Maghrib, wala itong problema.
Ang oras ng Maghrib ay nagtatapos kapag lumubog ang pulang liwanag sa langit; sa puntong ito ay papasok ang oras ng ‘Ishā’.
Kung hindi niya maaabutan ang kanyang bahay bago ito, wājib (obligado) sa kanya na lumabas sa klase. Sapagkat ang klaseng ito ay hindi isang pangunahing bagay, samantalang ang Ṣalāh ay isang pangunahing bagay.
Hindi ipinahintulot ng Allāh sa mga kasamahan ng Propeta ﷺ at sa mga Muslim na ipagpaliban ang Ṣalāh lampas sa takdang oras nito, kahit sa panahon ng digmaan, o gawin ito sa ibang oras. Bagkus, inutusan pa rin silang magsagawa ng Ṣalāh nang jamā‘ah kung kaya nila.
Kung hindi nila ito kaya dahil sa tindi ng digmaan, kinakailangan nilang magsagawa ng Ṣalāh nang mag-isa, kahit sila ay nakasakay o naglalakad, at magsagawa ng rukū‘ at sujūd sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo.
Kaya hindi dapat iwanan ang Ṣalāh hanggang sa lumabas ang oras nito, sapagkat ang oras ay isa sa pinakamahalagang shurūṭ (mga kondisyon) ng Ṣalāh. Ang lahat ng mga kondisyon, maliban sa intensyon, ay maaaring mawala dahil lamang sa pangangalaga sa oras.
Kung siya ay wala sa ṭahārah (kalinisan), at kung siya ay papunta upang mag-wuḍū’, subalit kapag siya ay bumalik ay lalabas na ang oras ng Ṣalāh, kinakailangan niyang magsagawa ng tayammum. At kung hindi niya ito kaya, kailangan niyang magsagawa ng Ṣalāh ayon sa kalagayan niya.
Tungkol naman sa pagharap sa Qiblah, kung hindi niya ito alam, at kung siya ay aalis pa upang magtanong kung nasaan ang Qiblah at mawawala ang oras ng Ṣalāh, magsikap siya at humarap sa alinmang direksiyon at magsagawa ng Ṣalāh.
Maaaring iwan ang ṭahārah, maaaring iwan ang pagharap sa Qiblah, at maaaring mawala ang lahat ng mga kondisyon—maliban sa intensyon—para lamang mapangalagaan ang oras ng Ṣalāh.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍 Ḥaqu, Jāzān, KSA
🗓 Rajab 14, 1447H | Enero 03, 2026
👍5
﷽
[Mga Sagot ni Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله sa mga Katanungan mula sa Pilipinas — Rajab 1447H]
Alhamdulillāh, binisita namin si Shaykh Yaḥyā an-Nahārī حفظه الله sa Ḥaqu, Jāzān noong Rajab 14, 1447H, na tumutugma sa Enero 03, 2026, at nagbigay si Shaykh ng oras upang sagutin ang iilang katanungan ng ating mga kapatid mula sa Pilipinas.
Pinahintulutan din ako ni Shaykh na i-post ang recording, kaya balikan ninyo ito sa Telegram, sapagkat ang mga pagsasalin ng mga kasagutan ay medyo binuod, lalo na kung inulit ni Shaykh ang isang punto nang ilang beses.
1️⃣5️⃣2️⃣ Magkakasala Ba ang Isang Tao Kung Hindi Siya Makapunta sa Walīmah?
1️⃣5️⃣3️⃣ Ang Pagbibigay ng Regalo sa Kasal ng Isang Kafir
1️⃣5️⃣4️⃣ Ang Paglagay ng Bandila sa Kasal
1️⃣5️⃣5️⃣ Ang Pagpilit ng Magulang sa Anak na Babae na Magtrabaho at Gumastos sa Pamilya
1️⃣5️⃣6️⃣ Ang Pag-antala ng Kasal Dahil sa Pagpilit sa Babae na Magtrabaho
1️⃣5️⃣7️⃣ Ang Pagbili Mula sa Kainan na Dating Nagbebenta ng Pagkain na May Baboy
1️⃣5️⃣8️⃣ Ang Hatol ng Pagdo-donate ng Gatas ng Ina
1️⃣5️⃣9️⃣ Kinakailangan Ba na Sunod-sunod ang Pagpapadede sa Isang Babae?
1️⃣6️⃣1️⃣ Kapag Pinuri Ka ng mga Tao At Hindi Nag-Du'a Para Sa Iyo
1️⃣6️⃣2️⃣ Paano Kung Hindi Makasagawa ng Ṣalāh Dahil sa Klase?
Nawa’y gantimpalaan ng Allāh si Shaykh para sa kanyang oras sa pagsagot sa mga katanungan.
🔗Link: https://t.me/KasagutanAtAral/701

⁉️ Ang Pagpunas ng Kamay sa Mukha Pagkatapos ng Duʿāʾ ⁉️
1️⃣6️⃣3️⃣ Ano po ang hatol sa pag punas ng kamay sa muka pagkatapos mag dua?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 17, 1447H | Enero 06, 2026
1️⃣6️⃣3️⃣ Ano po ang hatol sa pag punas ng kamay sa muka pagkatapos mag dua?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:
Ang pinakatama ay ang mga aḥādīth na naiulat tungkol dito ay hindi ṣaḥīḥ. Kahit na marami ang mga ito, ang mga ito ay sobrang mahihina.
Gayunpaman, kung makakita tayo ng isang taong gumagawa nito, huwag natin siyang pagbawalan at huwag nating sabihing ito ay bid‘ah, sapagkat may mga iskolar na naghatol na ṣaḥīḥ ang mga aḥādīth na ito.
Kabilang sa kanila sina al-Ḥāfiẓ Ibn Ḥajar, Shaykh Bin Bāz, at grupo ng mga iskolar, na nagsabing dahil sa dami ng mga daanan, ito ay naging malakas.
Ngunit sa katotohanan, hindi ito naging malakas. Gayunpaman, ang usaping ito ay isang ijtihādī na bagay (pagkakaiba ng pagsisikap ng mga iskolar).
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 17, 1447H | Enero 06, 2026
👍1
⁉️ Ano ang Gagawin Kapag Nanalo ng Raffle sa Christmas? ⁉️
1️⃣6️⃣4️⃣ Kapag nanalo ang isang tao ng washing machine sa raffle sa Christmas sa kanilang kumpanya, ipinapahintulot ba sa kanya na gamitin ito?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 17, 1447H | Enero 06, 2026
1️⃣6️⃣4️⃣ Kapag nanalo ang isang tao ng washing machine sa raffle sa Christmas sa kanilang kumpanya, ipinapahintulot ba sa kanya na gamitin ito?
———
🟢 Sinagot ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله:
[Buod] Kung hindi siya sumali sa raffle, at sinabi sa kanya na ang regalong ito ay para sa Christmas—sapagkat ito ay pagdiriwang ni Propeta ʿĪsā at pagdiriwang ng anak ng Allāh—huwag siyang kumuha ng kahit anuman.
————————
✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Sa bahay ni Shaykh, Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 17, 1447H | Enero 06, 2026
❤1
Forwarded from Salita at Kaalaman
In Shā Allāh magkakaroon tayo ng klase sa Kitāb aṣ-Ṣiyām (kabanata ng pag-aayuno) mula sa aklat na Manhaj as-Sālikīn, tuwing Sabado at Linggo, simula darating na Sabado, bilang paghahanda sa Ramadān.
Nais naming malaman ang angkop na oras para sa klase:
Nais naming malaman ang angkop na oras para sa klase:
Anonymous Poll
11%
Sabado – 1:30 PM, Linggo – 9:15 PM
4%
Sabado – 9:15 PM, Linggo – 1:30 PM
11%
Sabado at Linggo – 1:30 PM
74%
Sabado at Linggo – 9:15 PM
❤1🎉1
Keep Our Hearts Firm Upon Salafiyyah
Shaykh Abu Umar Faarooq
Shaykh Abu Umar Farooq (رحمه الله):
"If you do not understand your Salafiyyah, if you do not give time to learn your Salafiyyah, you're going to be in problems. Because Salafiyyah is not based upon association."
"If you do not understand your Salafiyyah, if you do not give time to learn your Salafiyyah, you're going to be in problems. Because Salafiyyah is not based upon association."
👍6⚡1
Ang_Pagtatanggol_sa_ating_minamahal_na_Shaykh,_Shaykh_ʿArafāt_al.pdf
353.9 KB
🛡 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐡𝐚𝐲𝐤𝐡, 𝐒𝐡𝐚𝐲𝐤𝐡 ʿ𝐀𝐫𝐚𝐟𝐚̄𝐭 𝐚𝐥-𝐌𝐮𝐡̣𝐚𝐦𝐦𝐚𝐝𝐢̄ 🛡
Sa panahong laganap ang mga tsismis at kasinungalingang ikinakalat ng ilan laban kay Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī, nais kong ipaalala sa ating mga kapatid ang kanyang katayuan sa paningin ng mga ʿUlamāʾ, at kung ano ang aking nasaksihan sa kanya sa personal kong pakikihalubilo sa kanya.
Kaya’t pinapayuhan ko ang ating mga kapatid na huwag pansinin ang mga kasinungalingang ikinakalat sa social media laban sa kanya—mga bagay na mismong sinabi ni Shaykh sa amin na hindi totoo o hindi niya ginawa.
————————
✍️ Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 25, 1447H | Enero 14, 2026

❤2👍2🔥1
Forwarded from Salita at Kaalaman
In Shā Allāh magsisimula tayo ng ating klase mamaya 9:15pm sa Kitāb as-Siyām (kabanata ng pag-aayuno).
Live dito sa Telegram: https://t.me/SalitaAtKaalaman
Live dito sa Telegram: https://t.me/SalitaAtKaalaman
Forwarded from Liwanag ng Ḥadīth at mga Tuntunin
Mula sa mga pinakatanyag na nagpalaganap ng kaalaman mula sa mga Ṣaḥābah, at nagkaroon sila ng maraming mga mag-aaral:
1️⃣ ʿAbdullāh bin Masʿūd رضي الله عنه sa Kūfah
2️⃣ ʿAbdullāh bin ʿUmar رضي الله عنه sa Madīnah
3️⃣ ʿAbdullāh bin ʿAbbās رضي الله عنه sa Makkah
4️⃣ Anas bin Mālik رضي الله عنه sa Baṣrah
————————
✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Tāḥir Bin Manṣūr
📍Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Rajab 29, 1447H | Enero 18, 2026

Forwarded from Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh (Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor)
📚𝗣𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼: 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗠𝘂𝘀𝗹𝗶𝗺📚
Sinabi ni Shaykh al-ʿAllāmah ʿAbd al-Raḥmān al-Kūnī حفظه الله:
Kinakailangan ang pagsasaliksik ng kaalaman hangga't makakaya. Maraming tao ang abala sa Dunyā, kaya mag-aral ka habang nagtatrabaho.
Kung hindi mo kayang magsaliksik ng kaalaman, magtanong ka sa mga maalam, lalo na tungkol sa mga gawain tulad ng Ṣalāh at ang limang haligi ng Islām.
Hindi tamang kaugalian ng isang Muslim ang hindi magtanong. Kung ganito ang kanyang asal at siya'y mamatay sa ganitong kalagayan, [maaaring] siya'y maparusahan sa Apoy.
―――
✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍Sa bahay ni Shaykh sa Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓Jumādá al-Ākhirah 10, 1446H | December 12, 2024

👍4⚡1
Al-Ḥāfiẓ al-Mizzī رحمه الله said:
ولو سكت من لا يدري لاستراح وأراح، وقل الخطأ، وكثر الصواب.
“If those who do not know were to remain silent, they would find relief and give relief to others; errors would decrease, and what is correct would increase.”
📖 [Tahdhīb al-Kamāl 4/362]