Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
267 subscribers
338 photos
7 videos
19 files
200 links
Download Telegram
مما حفظته عن شيخنا العلامة عبد الله البخاري حفظه الله، وهو ينصحنا مرارا:

كما أنك ستُسأل عمَّا تنطقُ به بلسانك، ستُسأل أيضًا عمَّا تكتب.﴿سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ﴾
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
مما حفظته عن شيخنا العلامة عبد الله البخاري حفظه الله، وهو ينصحنا مرارا: كما أنك ستُسأل عمَّا تنطقُ به بلسانك، ستُسأل أيضًا عمَّا تكتب.﴿سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ﴾
Mula sa mga naisaulo ko mula sa ating Shaykh na si ʿAbdullāh al-Bukhārī حفظه الله, na paulit-ulit kaming pinapayuhan:

“Kung paano ka tatanungin tungkol sa mga (salitang) binibitaw ng iyong dila, ikaw rin ay tatanungin tungkol sa iyong sinusulat.”

Pagkatapos, binanggit niya ang āyah (talata):

ستُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ
“Isusulat ang kanilang pagsaksi at sila ay tatanungin.”
Forwarded from Dukkaan
Ustādh Mustafa George:

Very sad, but most Muslims no longer visit Islamic bookstores, buy, and read Islamic books.

If a person were honest and asked his or herself:

When was the last time I read and completed an Islamic book, the answer would be horrific!

Food for thought indeed.

https://x.com/i/status/2045688461953265992
⚡1👍1
📚 دورة الإمام ابن سيرين 🇵🇭
الفلبين 1448هـ / 2026م

🕌 "الدعوة بالحكمة والموعظة الحسنة والتحذير من الغلو"

🎓 الشيخ عرفات المحمدي حفظه الله
— حضورياً بإذن الله

📖 مميزات البرنامج:
• شرح كتب في العقيدة والفقه
• 🗣 محاضرات مترجمة (باللغة الفلبينية)
• ❓ أسئلة وأجوبة

🗓 التاريخ: ١١–١٨ محرم ١٤٤٨هـ | ٢٧ يونيو – ٤ يوليو ٢٠٢٦م

📍 المكان: مدرسة الحكمة الإسلامية | بوهانغين، مدينة دافاو، الفلبين

👥 الحضور:
🚹 للرجال فقط
📝 التسجيل مطلوب

📢 الجدول الكامل: سيتم نشره قريباً بإذن الله

📞 للتواصل والاستفسار (واتساب): +63 915 807 0795

🔗 رابط التسجيل:
https://forms.gle/feEyoRNgjW4zCaEF9

📡 لمتابعة الإعلانات عبر التلغرام:
https://t.me/dawrahibnsirin
📚 Dawrah Imām Ibn Sīrīn
🇵🇭 Philippines 1448H / 2026

🕌 “Inviting with Wisdom & Fair Preaching: Countering Extremism”

🎓 Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī (From the Mashāyikh of al-Madīnah)
— Live in Person, In shā’ Allāh

📖 Program Highlights:
• Explanation of selected books in ʿAqīdah and Fiqh
• 🗣 Translated lectures (Tagalog)
• ❓ Q&A Sessions

🗓 Muḥarram 11–18, 1448H | June 27 – July 4, 2026

📍Wisdom Islamic School | Buhangin, Davao City, Philippines

👥 Attendance:
🚹 Men only
📝 Registration required

📢 Full Schedule: Coming soon, In shā’ Allāh

📞 For contact and inquiries (WhatsApp): +63 915 807 0795

🔗 Registration Link: https://forms.gle/feEyoRNgjW4zCaEF9

📡 For further updates, follow our Telegram channel:
https://t.me/dawrahibnsirin
👍1
Ang inyong mga anak ay isang Amānah. Ano ang isasagot mo sa Allāh kapag iniwan mo ang iyong responsibilidad sa pagbibigay ng Tarbiyyah, at hinayaan mo ang cellphone ang magbigay ng Tarbiyyah sa kanila?
نُذكّر الإخوة الراغبين في حضور دورة الإمام ابن سيرين بضرورة تعبئة نموذج التسجيل، حتى لمن ينوي الحضور ليومٍ واحد فقط.

🔗 رابط التسجيل:
https://forms.gle/feEyoRNgjW4zCaEF9

📡 لمتابعة آخر التحديثات، يُرجى متابعة قناتنا على تيليغرام:
https://t.me/dawrahibnsirin

———

For those planning to attend Dawrah Imām Ibn Sīrīn, registration is required for everyone, even if you intend to attend for only one day.

🔗 Registration Link:
https://forms.gle/feEyoRNgjW4zCaEF9

📡 For further updates, follow our Telegram channel:
https://t.me/dawrahibnsirin
Sinabi ni Shaykh ‘Arafāt al-Muḥammadī حفظه الله:

Dapat may kaalaman ka at malinaw na pagkaunawa kung nais mong magsalita tungkol sa mga usapin ng jarḥ wa taʿdīl, at ng pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan.

At sa pamamagitan ng iyong kaalaman at tamang pananaw, malalaman mo kung kailan ka mananahimik at kung kailan ka magsasalita.

Isasaalang-alang mo ang mga kapakinabangan at mga pinsala, at ikaw ay magiging nasa landas at pamamaraan ng mga ʿulamā’ na rabbānī—mga matatag, ginabayan, at matuwid.

Ngunit ang mga mangmang, ang mga nagpapanggap na may alam, at ang mga walang ginagawa—wala silang karapatang manguna sa jarḥ wa taʿdīl, sa pagtatakda ng mga alituntunin, sa paglalatag ng mga pundasyon, at sa pagturing sa iba bilang naliligaw. Sapagkat ang taong walang taglay ay walang maibibigay.
👍2❤1💯1
Kung nais ng isang tao na sirain ang Islām at iligaw ang mga Muslim, isa sa mga pamamaraan nito ay ang pagpapakalat ng pagdududa sa Ṣaḥīḥ al-Bukhārī at Ṣaḥīḥ Muslim — sapagkat ang tunay nilang layunin ay sirain ang Sunnah ng ating Propeta ﷺ.

قاتل الله كلّ من أراد أو سعى إلى هدم سُنَّة المصطفى ﷺ.
Isa sa mga payo na ibinigay sa amin ni Shaykh ʿAbdullāh al-Bukhārī حفظه الله noong nakaraang taon na hindi ko malilimutan:

“Ang mga kalaban ng Sunnah ay patuloy na nagsisikap, araw at gabi, upang sirain ang Sunnah—subalit kayo na nag-aangking kabilang sa Ahl as-Sunnah ay natutulog!”
❤2
Mula sa mga prinsipyo ng mga Ahl al-Bidaʿ:

تقديم العقل على النقل
Ang pag-una ng pag-iisip kaysa sa teksto (ng Qur’ān at Sunnah).

Ibig sabihin, kapag hindi maunawaan ng kanilang mababaw na pag-iisip ang isang Ḥadīth, tinatanggihan nila ito.

Ang ating relihiyon ay hindi nakabatay sa sariling opinyon, kundi sa pagsunod sa mga katuruan nito nang walang pag-aalinlangan, kahit hindi natin lubos na nauunawaan ang dahilan kung bakit ito inutos.
Forwarded from Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh (Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor)
🚫𝗗𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗔𝘀𝗮𝘄𝗮: 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 🚫

Makikita mo ang ilang kababaihan na pikit-matang sumusunod sa mga panawagan ng mga Shayāṭīn—inuuna ang kanilang pag-aaral at trabaho upang umunlad sa karera, habang isinasantabi ang pag-aasawa at pagtatatag ng pamilya.

Ngunit kapag lumampas na sila sa edad na 30, saka pa lamang nila mapaisip na magkapamilya. Sa puntong ito, mahihirapan na silang makahanap ng mapapangasawa, at madalas ay humahantong sa pagtandang dalaga—walang asawa, at walang anak.

Samantalang hinihikayat ng Islām ang pag-aasawa ng maaga at itinuturing ito bilang isang uri ng pagsamba. Hinihikayat din ang pagkakaroon ng maraming anak, sapagkat ipagmamalaki ng ating Propeta ﷺ ang dami ng kanyang Ummah sa Araw ng Paghuhukom. Bukod pa rito, kapag pinalaki natin nang maayos ang ating mga anak, sila mismo ang magsasagawa ng Duʿāʾ para sa atin kapag tayo'y pumanaw na.

Kaya huwag kayong malinlang ng mga panawagan ng mga Shayāṭīn. Nawa’y gabayan tayong lahat ng Allāh.

————

✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
📍 Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓 Dhu al-Qiʿdah 01, 1446H | Abril 29, 2025
💯2✍1
Sinabi ni Shaykh al-ʿAllāmah ʿAbdullāh al-Bukhārī حفظه الله kagabi:

Ang ibang mga tao ay binubuksan lamang ang Qurʾān tuwing Ramaḍān, ngunit pagdating sa tsismis sa social media, active sila (at nag-aabang): sino ang nagsabi ng ganito, at sino ang nagsabi ng ganoon.

🎙️[Dars 14: Sharḥ Ādāb al-Muʿallimīn wa al-Mutaʿallimīn]

————————

✍️ Abū Mulaykah Tāḥir bin Manṣūr
🗓 Dhū al-Qaʿdah 14, 1447H | Mayo 01, 2026
Nawa’y padaliin ng Allāh ang pag-aasawa ng mga nagnanais mag-asawa, habang ang kanilang layunin ay makamit ang Kanyang kaluguran at mapangalagaan ang kanilang sarili laban sa Fitnah.
Paano makikilala ng isang Jāhil (mangmang) ang Ḥaqq (katotohanan), kung siya mismo ay walang kaalaman?
⚡1
📌 Ang Kondisyon Upang Maging Wasto ang Isang ʿIbādah (Pagsamba)

✅ Dalawang kondisyon:

1️⃣ Ikhlāṣ — gagawin mo ang isang pagsamba para sa Allāh lamang.

2️⃣ Alinsunod ito sa Sunnah ni Propeta Muḥammad ﷺ.

📚 Kaya ang gumagawa ng ʿIbādah ay isa sa apat:

❌ 1. Ang kanyang gawain ay para sa Allāh, ngunit wala itong basehan at salungat ito sa Sunnah ng Propeta ﷺ. Ito ay Bidʿah — hindi ito tanggap.

❌ 2. Ang kanyang gawain ay alinsunod sa Sunnah, ngunit ginagawa niya ito para sa mga nilikha. Ito ay Riyāʾ (pagpapakitang-tao) o Sumʿah (pagpaparinig sa mga tao) — hindi ito tanggap.

❌ 3. Kung hindi niya ito ginawa para sa Allāh, at wala rin itong basehan sa Sunnah — hindi ito tanggap.

✅ 4. Kung ginawa niya ito para sa Allāh, at alinsunod ito sa Sunnah — tanggap ito.

———

✍️ Isinulat ni Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ 22 Dhū al-Qiʿdah 1447 | Mayo 09, 2026
💎 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗜𝗠𝗢𝗧 💎

🖋️ Sinabi ni Ibn al-Qayyim رحمه الله:

“At kabilang sa mga kamangha-manghang biyaya sa kanya ay ang biyaya ng pagkalimot.

🔹 Sapagkat kung wala ang pagkalimot:

1️⃣ Hindi sana siya makakaahon mula sa anumang lungkot;

2️⃣ Hindi matatapos ang kanyang pagsisisi;

3️⃣ Hindi gagaan ang kanyang pakiramdam mula sa isang paghihirap;

4️⃣ Hindi mamamatay ang kanyang lungkot;

5️⃣ Hindi mawawala ang kanyang poot;

6️⃣ Hindi siya masisiyahan sa anumang bagay mula sa Dunyā habang naaalala niya ang mga kapinsalaan (na naranasan niya sa buhay);

7️⃣ At hindi rin siya aasa na mapabayaan siya ng kanyang kalaban, o titigil kahit sandali ang mga naiinggit sa kanya.”

📚 Miftāḥ Dār as-Saʿādah (2/788)

———

✍️ Isinalin ni Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ 22 Dhū al-Qiʿdah 1447 | Mayo 09, 2026
❤1
🤲𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗠𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗗𝘂ʿ𝗮̄ʾ 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗜𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴🤲

Sinabi ni Ibn ʿUyaynah [p. 198H] رحمه الله:

Huwag hayaang pigilan ang sinuman sa inyo ang paggawa ng Duʿāʾ dahil sa alam niya sa kanyang sarili — ibig sabihin, sa mga pagkukulang — sapagkat sinagot ng Allāh ang Duʿāʾ ng pinakamasamang nilikha, si Iblīs, noong sinabi niya:

{رَبِّ فَأَنْظِرْنِي إِلَى يَوْمِ يُبْعَثُونَ (٣٦)}
“O aking Panginoon, bigyan Mo ako ng palugit hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

📝[Sharḥ Ṣaḥīḥ al-Bukhārī ni Ibn Battal (99-100)]

————

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Dhu al-Qiʿdah 13, 1446H | Mayo 11, 2025
👑𝐏𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐭𝐚: 𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨👑

At mula kay ʿAbd al-Raḥmān bin Samurah na nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allāh (ﷺ) sa akin:

"Huwag mong hingin ang (posisyon ng) pamumuno, sapagkat kung ibibigay ito sa iyo dahil sa iyong paghingi, ikaw ay pababayaan dito (sa iyong pamumuno). Ngunit kung ibibigay ito sa iyo nang hindi mo hinihingi, ikaw ay tutulungan (ng Allāh) dito."

[Napagkasunduan nina Al-Bukhārī (7146) and Muslim (1652)]

―――

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Rabīʿ ath-Thānī 15, 1446H | Oktubre 18, 2024
🌿 بقي ٤٤ يومًا على دورة الإمام ابن سيرين.

📚 ومن الكتب المقررة في هذه الدورة المباركة — بإذن الله —

1️⃣ شرح السنة للمزني
2️⃣ وكتاب الطهارة من منهج الطلاب في فقه الشافعي.

———

✨ 44 days left until Dawrah Imām Ibn Sīrīn.

📖 Among the selected books for this blessed conference, by the permission of Allāh, are:

1️⃣ Sharḥ as-Sunnah by al-Muzanī
and
2️⃣ Kitāb aṭ-Ṭahārah from Manhaj aṭ-Ṭullāb in Shāfiʿī Fiqh.

🔗 Follow for updates:
https://t.me/dawrahibnsirin