Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
267 subscribers
338 photos
7 videos
19 files
200 links
Download Telegram
Knowledge Requires Patience, Manners, and Humility: Reflection on the Fitnah of Ibn Hādī by Shaykh Ali Al-Wasīfī رحمه الله

https://x.com/i/status/2055623021042274307
🕋𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗶𝗻𝗮𝗺? 𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗺𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗗𝗵𝘂𝗹-𝗛̣𝗶𝗷𝗷𝗮𝗵 𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗺𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗥𝗮𝗺𝗮𝗱̣𝗮̄𝗻?🕋

Sinabi ni Shaykh al-Islām Ibn Taymiyyah:

"Ang (unang) sampung araw ng Dhul-Ḥijjah ay mas mainam kaysa sa [huling] sampung araw ng Ramaḍān.

At ang mga huling sampung gabi ng Ramaḍān ay mas mainam kaysa sa [unang] sampung gabi ng Dhul-Ḥijjah."

📝[Badāʾiʿ al-Fawāʾid, 3/1102]

————

✍️ Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 Dhu al-Qiʿdah 29, 1446H | Mayo 27, 2025
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Photo
💎 Ang Payo ni Shaykh ‘Abdullāh al-Bukhārī para sa mga Estudyante mula sa Pilipinas 💎

Alḥamdulillāh, binisita namin ngayong gabi ang ating Shaykh al-‘Allāmah ‘Abdullāh al-Bukhārī حفظه الله, kasama ang ilang mga estudyante ng Islamic University sa Madīnah mula sa Pilipinas. Binigyan niya kami ng oras para sa mga tanong at mga payo, lalo na hinggil sa ating Da‘wah.

Kabilang sa kanyang mga payo حفظه الله:

1️⃣ Ang pagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral at pagtuturo sa mga tao sa pinakamainam na pamamaraan.

2️⃣ At na ang sinumang tatahak sa landas ng Da‘wah ay tiyak na makararanas ng kapinsalaan, tulad ng nangyari kay Imām Aḥmad رحمه الله, kaya pinayuhan niya kami na magkaroon ng Ṣabr sa kapinsalaan.

3️⃣ At pinayuhan niya kami na ang layunin ng Rudūd (pagtugon) sa mga sumasalungat ay upang itaguyod ang Sharī‘ah ng Allāh at ipaliwanag ang katotohanan, at ginagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman, hindi sa pamamagitan ng panlalait, pang-iinsulto, o pagmumura.

At iba pang mga mahalagang payo, kaya nawa’y gantimpalaan ng Allāh ang ating Shaykh ng pinakamainam na gantimpala sa dalawang tahanan.

———

✍️ Isinulat ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
📍Al-Madīnah an-Nabawiyyah
🗓️ 1 Dhū al-Ḥijjah 1447H | May 18, 2026
❤1
سيتم طرح الأسئلة المختارة على الشيخ عرفات المحمدي خلال الدورة بإذن الله.

⚠️ نرجو أن تكون الأسئلة: قصيرة، واضحة، نافعة

🌿 نُفَضِّل أن تكون الأسئلة باللغة العربية.

❗️ يُرجى تجنب الإطالة.

______________________________________

Selected questions will be asked to Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī during the Dawrah, In shā’ Allāh.

⚠️ Please ensure your questions are: Short, clear, and beneficial

🌿 We prefer questions to be in Arabic.

❗️ Avoid long questions.

https://forms.gle/iDndHfPvanvyfQv48
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Photo
⚠️ 𝐀𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐫𝐡‌ (𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐧𝐚) 𝐀𝐭 𝐓𝐚ʿ𝐝𝐢‌𝐥 (𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐫𝐢) 𝐀𝐲 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐒𝐚 𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 ⚠️

Sinabi ni Shaykh ʿUbayd al-Jābirī رحمه الله:

Bigyan natin ng pansin dito ang isang usapin: na marami sa mga kababaihan ang pumapasok sa pintuan ng al-Jarḥ wa at-Taʿdīl, at ito ay mali sa mga sumusunod na dahilan:

Una: Ito ay salungat sa pag-uugali ng matutuwid na kababaihan mula sa mga Ṣaḥābiyyāt (mga babaeng kasamahan ng Propeta ﷺ), at sa mga sumunod sa kanila. Sapagkat hindi nakilala na may isang babae mula sa kanila na inilagay ang kanyang sarili sa harapan para sa al-Jarḥ wa at-Taʿdīl...

Ikalawa: Ang babae, kahit gaano pa siya nabigyan ng lakas at kabihasaan, ay hindi niya masasaklaw ang mga lihim at kalagayan ng mga kalalakihan, at ito ay napakahirap.

Ang ikatlo: Maaaring ilagay niya ang kanyang sarili sa isang bagay na hindi niya kaya. At kabilang dito ang pagkagalit sa kanya ng kanyang mga kalalakihan (mula sa kanyang mga Maḥram); dahil walang lalaking may Ghayrah (mapag-ingat sa dangal ng kanyang kababaihan) ang papayag na ang isa sa kanyang kababaihan ay lumabas at makihalubilo sa mga kalalakihan, o makipag-ugnayan sa mga kalalakihan.

At ito ang pinadali ng Allāh mula sa aming pagsagot sa usaping ito.

▶️ https://youtu.be/P3mM2-eeEOo

———

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 02, 1447H | May 19, 2026
👍1
I remember one time when we were in Hafar Al-Batin during the Dawrah last year with the Mashaikh and Abdullah Dufairi حفظه الله.

One student asked a question and sought advice from Arafat Al-Muhammadi through a phone call, and the Sheikh said ( knowing that we were attending the gatherings and duroos in Hafar Al-Batin) : “Ask the Mashaikh there,” referring to the scholars and teachers in Hafar Al-Batin.

Why did I mention this?
The point is to raise awareness regarding the recent fitnah and deception spreading around, where some people claim that you are restricted to returning only to the Mashaikh in Madinah, such as Abdullah Al-Bukhari and Arafat Al-Muhammadi حفظهما الله.

نسأل الله السلامة والعافية
✍️ Easa Abu Humairah
📌Al'Madinah An'Nabawiyyah
🗓️ 7th of Dhul Hijjah, 1447
Sinabi ni Shaykh Muqbil al-Wādiʿī رحمه الله:

إنَّ النَّاسَ مُنذُ تَرَكُوا الرُّجُوعَ لِلْعُلَمَاءِ تَخَبَّطُوا.

Ang mga tao, mula nang iniwan nila ang pagbabalik sa mga ʿUlamāʾ, ay nalito at naging magulo ang kanilang kalagayan.

[Tuḥfat al-Mujīb, p. 282]

———

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 08, 1447H | May 25, 2026
⛰️ Bakit ipinagbawal ang pag-aayuno sa araw ng ʿArafah para sa mga nakatayo sa ʿArafah? ⛰️

Tinanong si Sufyān ibn ʿUyaynah tungkol sa pagbabawal ng pag-aayuno sa araw ng ʿArafah para sa mga nasa ʿArafah.
Sinabi niya:

لأنَّهُم زوَّارُ اللهِ وأضيافُهُ، ولا يَنْبَغي للكريمِ أنْ يُجَوِّعَ أضيافَهُ.

“Dahil sila ay mga dumadalaw sa Allāh at Kanyang mga bisita, at hindi nararapat sa Al-Karīm (Ang Pinakamapagbigay) na gutumin ang Kanyang mga bisita.”

[Laṭāʾif al-Maʿārif, p. 279]

———

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 09, 1447H | May 26, 2026
📝 Mga Paratang ng mga Ahl al-Bidʿah Laban sa mga ʿUlamāʾ (1) 📝

Kapag nais ng mga may sakit sa kanilang mga puso na ilayo ang mga tao mula sa mga ʿUlamāʾ, nagpapalaganap sila ng mga paratang laban sa kanila. Kabilang dito ang mga sumusunod:

1️⃣ “Mga sunud-sunuran lamang sila sa mga namumuno.”

2️⃣ “Hindi raw sila nagsasalita maliban kung may pahintulot ng pinuno.”

3️⃣ “Hindi raw sila lumalabas sa sinasabi ng mga namumuno.”

4️⃣ “Binabaluktot daw nila ang relihiyon upang mapasaya ang mga pinuno.”

5️⃣ “Mga scholar daw sila ng palasyo, at hindi mga scholar ng Ummah.”

6️⃣ “Naglalabas daw sila ng fatwā ayon sa pulitika, hindi ayon sa dalīl.”

Kaya kung ganito raw ang kalagayan ng mga ʿUlamāʾ, bakit tayo inutusan ng Allāh na bumalik sa kanila at magtanong sa kanila?

At sinuman ang nagbasa ng mga fatwā ng mga ʿUlamāʾ ay malalaman niya na ang mga paratang na ito ay walang iba kundi kasinungalingan.

Kabilang sa patunay nito ang kanilang pagbibigay-babala laban sa mga National Day, ang kanilang pagbibigay-babala laban sa Ribāʾ sa mga bangko, at iba pang mga bagay na sumasalungat sa Sharīʿah.

———

✍️ Isinulat ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 11, 1447H | May 28, 2026
⚡1👍1
Media is too big
VIEW IN TELEGRAM
دفاع الشيخ ربيع المدخلي رحمه الله عن الشيخ عرفات المحمدي حفظه الله.

Ang Pagtatanggol ni Shaykh Rabīʿ al-Madkhalī رحمه الله kay Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله

https://youtube.com/shorts/pwhizm-1VLA?si=AMU0wYl62l9QOhPT
👍1
Sinabi ni Ayyūb as-Sakhtiyānī (p. 131H) رحمه الله:

إِنَّ مِنْ سَعَادَةِ الْحَدَثِ وَالْأَعْجَمِيِّ أَنْ يُوَفِّقَهُمَا اللَّهُ لِعَالِمٍ مِنْ أَهْلِ السُّنَّةِ

Katotohanan, kabilang sa kaligayahan (at tagumpay) ng kabataan at ng hindi Arabo ay ang pagkalooban sila ng Allāh ng tagumpay na mapatnubayan sa isang ʿĀlim (iskolar) mula sa Ahl as-Sunnah.

[Sharḥ Uṣūl Iʿtiqād Ahl as-Sunnah li-l-Lālikāʾī, 1/66]

———

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 15, 1447H | June 01, 2026
💯3❤2
Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
Photo
Sinabi ni Shaykh ʿAbd ar-Raḥmān al-Muwāsī حفظه الله:

Mula sa pagsuway at kawalan ng utang na loob ng isang estudyante sa kanyang Shaykh

Ang pagsuway at kawalan ng utang na loob ay hindi lamang nalilimita sa pagsuway sa dalawang magulang, bagkus mayroon itong maraming anyo — at kabilang dito ang pagsuway ng isang estudyante sa kanyang Shaykh at guro.

Ang Shaykh ay naglalaan ng kanyang oras at pagsisikap sa pagtuturo sa estudyante, pagpatnubay sa kanya, at pagbibigay sa kanya ng Tarbiyyah. Maaaring siya ay may mga sariling pangangailangan at pamilya na dapat asikasuhin, ngunit mas pinili niya ang pagbibigay ng pakinabang at pagtuturo sa kanyang mga estudyante.

Kaya mula sa utang na loob at magandang pag-uugali ay panatilihin ng estudyante ang karapatan ng kanyang Shaykh; ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanya, pagtatanong sa kanya, pagbisita sa kanya, at pagkamusta sa kanya ayon sa kanyang kakayahan.

At huwag niyang kalimutan ang kabutihan ng kanyang Shaykh sa kanya kapag siya ay lumipat sa ibang lugar, o nanatili kasama ng ibang Shaykh, o naging abala sa kanyang trabaho.

At mula sa mga anyo ng pagsuway ay ang makalimutan ng estudyante ang kabutihan ng kanyang Shaykh pagkatapos niyang makinabang mula sa kanya, o putulin niya ang kanyang ugnayan sa kanya nang walang dahilan, o maliitin niya siya, at itanggi ang kabutihang naibigay sa kanya.

At mas malala pa rito: ang estudyante ay manatili nang ilang taon na kumukuha ng kaalaman at patnubay mula sa kanyang Shaykh, pagkatapos ay tatalikod siya sa kanya at magsasalita laban sa kanya, o magbibigay ng babala laban sa kanya nang walang malinaw na katibayan, o iiwanan niya ang kanyang pagtitipon habang sinusunod ang kanyang pagnanais o mga tsismis.

📝https://t.me/AbdulRhmanAlmuwasi/3279

———

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 16, 1447H | June 02, 2026
📝 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗛𝗶𝗻𝗴𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶 𝗦𝗵. 𝗡𝗶𝘇𝗮‌𝗿 𝗮𝘀-𝗦𝘂‌𝗱𝗮‌𝗻𝗶‌ 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝘄𝗿𝗮𝗵 𝗜𝗯𝗻 𝗦𝗶‌𝗿𝗶‌𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 📝

Sinulat ni Shaykh Ṣalāḥ Kantūsh حفظه الله:

Dumating sa amin na si Nizār bin Hāshim as-Sūdānī ay inilarawan si Shaykh, ang butihing Dr. ʿArafāt al-Muḥammadī, bilang “ligaw,” “tagapagligaw,” at “may tagong pakana.”

At sumobra siya sa pag-iinsulto at pagmumura, tulad ng kanyang nakasanayan, sa isang audio kung saan nagbabala siya laban sa Dawrah ʿIlmiyyah (pangkaalamang dawrah/conference) na gaganapin sa Pilipinas. Wallāh al-Mustaʿān.

Kaya sasabihin natin: Hindi maaaring maapektuhan ang isang matalinong Salafī sa mga salita ni Nizār bin Hāshim as-Sūdānī. Sapagkat ang sinumang lumaki sa pagsunod sa mga katibayan at patunay, hindi siya tatanggap ng Jarḥ (pamumuna) mula sa isang ʿĀlim (iskolar) na kwalipikado sa mataas na larangang ito maliban kung ito ay may kasamang katibayan at patunay.

Kaya paano niya tatanggapin ang Jarḥ (pamumuna) mula sa isang lalaki na nagmana mula sa mga Muṣaʿfiqah ng pang-aapi at kawalang-katarungan?

Bagkus, lumampas pa siya sa ginawa ni Muḥammad bin Hādī at ng lahat ng mga Muṣaʿfiqah, na mas masahol pa kaysa sa mga Ḥaddādiyyah.

Kaya si Nizār — nawa’y ayusin ng Allāh ang kanyang kalagayan — ay isang lalaking padalos-dalos at magulo ang pag-iisip. Hindi siya nararapat maging tagahatol sa pagitan ng dalawang batang nag-aaway, kaya paano pa pakikinggan ang kanyang salita sa mga usapin ng Daʿwah?

Kaya huwag kayong lumingon sa kanyang paggulo at sa kanyang babala laban sa mga Dawrah na isinasagawa ni Shaykh Dr. ʿArafāt bin Ḥasan al-Muḥammadī.

Siya ay isang tao na sinaksihan ng kanyang Mashāyikh at ng mga malalaking ʿUlamāʾ na siya ay kwalipikado at matatag sa kaalaman.

Kaya walang nadala ang mga napopoot at naiinggit sa kanya kundi kasinungalingan at gawa-gawang paratang. At ang Allāh ang sapat na Tagapagtuos sa kanila. Wallāh al-Mustaʿān.

✍️ https://www.facebook.com/share/p/1EDvTJhqU7/

———

✍️ Isinalin ni Abū Mulaykah Ṭāhir bin Mansoor
🗓️ Dhū al-Ḥijjah 21, 1447H | June 07, 2026
💯1