Mga Kasagutan at Aral mula sa mga Mashaykh
267 subscribers
338 photos
7 videos
19 files
200 links
Download Telegram
🔙𝐀𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐰𝐛𝐚𝐡 𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐥𝐢𝐚𝐧: 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐒𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤🔙

❶ Sinabi ng Allāh:

﴿إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا وَأَصْلَحُوا وَبَيَّنُوا فَأُولَئِكَ أَتُوبُ عَلَيْهِمْ وَأَنَا التَّوَّابُ الرَّحِيمُ﴾

“Maliban sa mga nagsagawa ng Tawbah (nagbalik-loob), nag-ayos, at nagpaliwanag. Tatanggapin Ko ang kanilang pagbabalik-loob. At Ako ang at-Tawwāb (ang Palaging Tumatanggap ng Tawbah), ang ar-Raḥīm (ang Pinakamaawain).”

📚 Sūrah al-Baqarah, āyah 160.

━━

❷ Sinabi ni Shaykh Ibn ʿUthaymīn:

«أن توبة الكاتمين للعلم لا تكون إلا بالبيان، والإصلاح؛ لقوله تعالى: {إلا الذين تابوا وأصلحوا وبينوا}: ثلاثة شروط:

الأول: التوبة؛ وهي الرجوع عما حصل من الكتمان.

الثاني: الإصلاح لما فسد بكتمانهم؛ لأن كتمانهم الحق حصل به فساد.

الثالث: بيان الحق غاية البيان».

“Hindi magiging wasto ang Tawbah ng mga nagtatago ng kaalaman maliban sa pamamagitan ng pagpapaliwanag at pag-aayos, dahil sa sinabi ng Allāh: ‘Maliban sa mga nagbalik-loob, nag-ayos, at nagpaliwanag.’ Mayroong tatlong kondisyon:

Ang una: Ang Tawbah—ang pagtalikod mula sa pagtatago ng kaalaman.

Ang pangalawa: Ang pag-aayos sa anumang nasira dahil sa kanilang pagtatago, sapagkat ang pagtatago nila ng katotohanan ay nagdulot ng kasiraan.

Ang pangatlo: Ang pagpapaliwanag ng katotohanan nang lubos na malinaw.”

📚Tafsīr al-ʿUthaymīn: al-Fātiḥah wa-al-Baqarah, vol. 2, p. 198.

━━

❸ Sinabi ni Shaykh Ibn Bāz:

«والمنكر إذا أعلن يجب على صاحبه أن يعلن التوبة منه حتى يعلم رجوعه عنه».

“Ang Munkar (kasamaan), kapag inihayag ito, ay kinakailangang ihayag din ng gumawa nito ang kanyang Tawbah mula rito, upang malaman ang pagtalikod niya rito.”

Matapos niyang banggitin ang mga āyah sa Sūrah al-Baqarah, sinabi niya:

«فلم يكتف سبحانه في حق هؤلاء بمجرد التوبة والإصلاح، بل شرط في صحة ذلك البيان؛ فقال: {وَبَيَّنُوا} فعلم أن التوبة الخالية من البيان لا تكفي، بل لا بد من بيان الحق للناس حتى يخرج بذلك من عهدة الكتمان».

“Hindi itinuring ng Allāh na sapat para sa mga ito ang Tawbah at pag-aayos lamang. Bagkus, ginawa Niyang kondisyon ang pagpapaliwanag upang maging wasto ito. Kaya sinabi Niya: ‘At nagpaliwanag.’

Kaya malalaman dito na ang Tawbah na walang pagpapaliwanag ay hindi sapat. Bagkus, kinakailangang ipaliwanag ang katotohanan sa mga tao, upang makalaya siya sa pananagutan niya sa pagtatago ng kaalaman.”

📚Majmūʿ Fatāwā wa-Maqālāt Mutanawwiʿah, vol. 25, p. 308.

━━

❹ Sinabi ni Shaykh Ibn ʿUthaymīn:

«وعليه أن يبحث عن الذي استفتاه حتى يخبره بأن فتواه خطأ وغلط فإذا فعل هذا فأرجو أن يتوب الله عليه ومسألة الفتيا بغير علم مسألة خطيرة لأنه لا يضل بها المستفتي وحده بل ربما ينشرها المستفتى بين الناس ويضل بها فئام من الناس وهي خطأ وظلم».

“At kinakailangan niyang hanapin ang taong humingi sa kanya ng Fatwā upang sabihin dito na mali ang Fatwā na ibinigay niya. Kapag ginawa niya ito, umaasa akong tatanggapin ng Allāh ang kanyang Tawbah.

Ang pagbibigay ng Fatwā nang walang kaalaman ay isang mapanganib na bagay, dahil hindi lamang ang nagtanong ang maliligaw dahil dito. Bagkus, maaaring ipalaganap ng nagtanong ang Fatwā sa mga tao, at maligaw dahil dito ang maraming tao, samantalang ito ay kamalian at pang-aapi.”

📚Fatāwā Nūr ʿalā ad-Darb, vol. 6, p. 2.

━━

❺ Sinabi ni Imām Ibn al-Qayyim:

«ولهذا كان من توبة الداعي إلى البدعة أن يبيّن أن ما كان يدعو إليه بدعة وضلالة، وأن الهدى في ضدّه».

“Kaya kabilang sa Tawbah ng isang dāʿī (nag-aanyaya) tungo sa bidʿah ang pagpapaliwanag na ang dati niyang inaanyayahan ay bidʿah at kaligawan, at ang gabay ay nasa kabaligtaran nito.”

📚ʿUddat aṣ-Ṣābirīn wa-Dhakhīrat ash-Shākirīn, p. 123.

━━

❻ Sinabi ni Shaykh ʿAbd al-Muḥsin al-ʿAbbād tungkol sa sinabi ni Ibn al-Qayyim:

«نعم، لا بد من البيان، فمجرد التوبة بدون أن يبيِّن نقص فيها، فمن كمال توبته أن يبين حتى لا يغتر الناس بما حصل منه».

“Oo, kinakailangang magpaliwanag. Ang Tawbah lamang na walang pagpapaliwanag ay may kakulangan. At kabilang sa pagkakumpleto ng kanyang Tawbah ang pagpapaliwanag, upang hindi malinlang ang mga tao sa naunang nagawa niya.”

📚Sharḥ Sunan Abī Dāwūd, lesson 517, p. 21.

━━━━━━━━━━━━━━

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 12 Jumādā al-Ūlā 1448H | 24 Oktubre 2026
𝐀𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐰𝐛𝐚𝐡 𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐥𝐢𝐚𝐧: 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐒𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤
❤2
Kung nagkamali ang iyong kapatid o may nakarating sa iyo ng tsismis tungkol sa kanya, umupo kang kasama niya, kausapin mo siya, pakinggan mo siya at payuhan. Ano ang pumipigil sa iyo?

Huwag kang maging katulong ng Shayṭān, na walang ibang gusto kundi ang magkawatak-watak ang mga alipin ng Allāh.
⛓️‍💥 𝗠𝗴𝗮 𝗚𝘂𝗹𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝘄𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴-𝗔𝘀𝗮𝘄𝗮 ⛓️‍💥

Ilang buwan na ang nakaraan, noong ako ay nasa bahay ni Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī, narinig ko siyang nagsabi:

“Ang karamihan sa mga gulo at away na nangyayari sa pagitan ng mag-asawa ay dahil sa hindi nila pagbibigay ng karapatan sa isa’t isa.”

━━━━━━━━━━━━━━

✍️ Isinalaysay ni: Abū Mulaykah Ṭāhir bin Manṣūr
🗓 18 Jumādā al-Ūlā 1448H | 29 Oktubre 2026
👍3
⁉️ ANG HULING ⅓ NG GABI AT ANG HULING ORAS NG ṢALĀH AL-ʿISHĀʾ ⁉️

1️⃣8️⃣6️⃣ Tanong: paano ang calculation ng third of the night at ang ending ng salah time ng ishaa?

━━

🟢 Sagot:

1️⃣ Ang huling ⅓ ng gabi

Sinabi ni Shaykh Ibn ʿUthaymīn رحمه الله:

«يقسم الإنسان ما بين غروب الشمس إلى طلوع الفجر ثلاثاً فيسقط ثلثين ويبقى الثلث الأخير»

“Hatiin ng isang tao sa tatlong bahagi ang oras mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagpasok ng Fajr. Alisin niya ang unang dalawang bahagi, at ang matitira ay ang huling ⅓ ng gabi.”

🔗
Website ni Shaykh Ibn ʿUthaymīn

━━

2️⃣ Ang huling oras ng ʿIshāʾ

Iniulat ni Imām Muslim sa kanyang Ṣaḥīḥ na sinabi ng Propeta ﷺ:

«وَوَقْتُ الْعِشَاءِ إِلَى نِصْفِ اللَّيْلِ»

“At ang oras ng ʿIshāʾ ay hanggang sa kalahati ng gabi.”

━━

💬 Sabi ko: Bilang halimbawa, para madali natin itong maintindihan:

🌇 Ang paglubog ng araw, o ang pagpasok ng Maghrib, ay 6:00 PM.
🌅 Ang pagpasok ng Fajr kinabukasan ay 4:00 AM.
⏳ Mayroon tayong sampung (10) oras mula Maghrib hanggang Fajr.

Para makuha natin ang huling ⅓ ng gabi, hahatiin natin ang sampung oras sa tatlo. Ang bawat bahagi ay 3 oras at 20 minuto. Kaya ang huling ⅓ ng gabi ay mula 12:40 AM hanggang 4:00 AM.

🕰 Para naman makuha natin ang kalahati ng gabi, hahatiin natin ang sampung oras sa dalawa. Ang kalahati nito ay 5 oras. Idagdag natin ito sa 6:00 PM, kaya ang kalahati ng gabi ay 11:00 PM.

📌 Ito ang huling oras ng ṣalāh al-ʿIshāʾ at sa halimbawang ito, maaari itong isagawa mula sa pagpasok ng oras nito, at dapat itong matapos bago dumating ang 11:00 PM.

💡 Ang kalahati ng gabi ay hindi palaging 12:00 midnight, tulad ng sinasabi ng mga hindi-Muslim; nakabatay ito sa oras ng Maghrib at Fajr sa bawat lugar.


━━━━━━━━━━━━━━

✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Ṭāhir bin Manṣūr
🗓 20 Jumādā al-Ūlā 1448H | 31 Oktubre 2026
👍4
⁉️ ANG HULING ⅓ NG GABI AT ANG HULING ORAS NG ṢALĀH AL-ʿISHĀʾ ⁉️

1️⃣8️⃣6️⃣ Tanong: paano ang calculation ng third of the night at ang ending ng salah time ng ishaa?

━━

https://t.me/KasagutanAtAral/925
⁉️ OBLIGADO BA ANG ḤAJJ SA BABAENG WALANG MAḤRAM? ⁉️

1️⃣8️⃣7️⃣ May tanong lang po sana ako tungkol sa Hajj. Kung ang isang babae ay may sapat na kakayahang pinansyal para makapag-Hajj, pero wala siyang asawa or mahram na maaaring sumama sa kanya, obligatory pa rin po ba sa kanya ang Hajj? Or hindi pa po maituturing na kumpleto ang kanyang kakayahan hangga’t wala siyang mahram na makakasama sa paglalakbay?

━━

1️⃣ Sinabi ni Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn Bāz رحمه الله:

«لا يجب عليها الحج ولا العمرة إلا عند وجود المحرم»

“Hindi obligado sa kaniya ang Ḥajj ni ang ʿUmrah maliban kung may Maḥram siyang makakasama.”

📚 [Majmūʿ Fatāwā wa Maqālāt Ibn Bāz, 16/379]

━━

2️⃣ Sinabi ni Shaykh Muḥammad ibn Ṣāliḥ al-ʿUthaymīn رحمه الله tungkol sa babaeng walang Maḥram na makakasama sa pagsasagawa ng Ḥajj:

«وهذه المرأة وإن كانت مستطيعة استطاعة حسية؛ فإنها غير مستطيعة استطاعة شرعية»

“Ang babaeng ito, kahit na may kakayahan sa pisikal o materyal na aspeto, ay wala pang kakayahan ayon sa Sharīʿah.”

📚 [Fatāwā Nūr ʿalā ad-Darb, recording blg. 249]

━━

📝 Sabi ko: At kabilang sa pinakamalinaw na mga katibayan para rito ang ḥadīth na iniulat nina Imām al-Bukhārī (3006) at Imām Muslim (1341) sa kanilang Ṣaḥīḥ, mula kay Ibn ʿAbbās رضي الله عنهما. Sinabi ng Propeta ﷺ:

«لَا يَخْلُوَنَّ رَجُلٌ بِامْرَأَةٍ إِلَّا وَمَعَهَا ذُو مَحْرَمٍ، وَلَا تُسَافِرِ الْمَرْأَةُ إِلَّا مَعَ ذِي مَحْرَمٍ». فَقَامَ رَجُلٌ فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنَّ امْرَأَتِي خَرَجَتْ حَاجَّةً، وَإِنِّي اكْتُتِبْتُ فِي غَزْوَةِ كَذَا وَكَذَا. قَالَ: «انْطَلِقْ فَحُجَّ مَعَ امْرَأَتِكَ».

“Huwag mapag-isa ang isang lalaki kasama ang isang babae maliban kung may kasamang Maḥram. At huwag maglakbay ang isang babae maliban kung may kasama siyang Maḥram.”

Kaya tumayo ang isang lalaki at nagsabi: “O Sugo ng Allāh, katotohanang umalis ang aking asawa upang magsagawa ng Ḥajj, samantalang nakatala akong sumama sa ganito-at-ganiyang labanan.”

Sinabi ng Propeta ﷺ: “Umalis ka at magsagawa ng Ḥajj kasama ang iyong asawa.”

🔎 Makukuha natin dito na matapos ipagbawal ng Propeta ﷺ ang paglalakbay ng babae nang walang maḥram, tumayo ang lalaki at sinabi niyang umalis ang kaniyang asawa upang magsagawa ng Ḥajj. Mauunawaan natin dito na wala itong maḥram na kasama. Kaya inutusan siya ng Propeta ﷺ na huwag siyang sumama sa Jihād, at magsagawa ng Ḥajj kasama ang kaniyang asawa.

📌 At ito ang isa sa mga malinaw na katibayang pinanghahawakan ng mga ʿUlamāʾ na nagsasabing hindi obligado ang Ḥajj o ang ʿUmrah sa isang babaeng walang Maḥram na makakasama sa kanya, kahit na may kakayahan siya sa pisikal at pinansiyal na aspeto.


━━━━━━━━━━━━━━

✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Ṭāhir bin Manṣūr
🗓 20 Jumādā al-Ūlā 1448H | 31 Oktubre 2026
👍2
⁉️ OBLIGADO BA ANG ḤAJJ SA BABAENG WALANG MAḤRAM? ⁉️

1️⃣8️⃣7️⃣ May tanong lang po sana ako tungkol sa Hajj. Kung ang isang babae ay may sapat na kakayahang pinansyal para makapag-Hajj, pero wala siyang asawa or mahram na maaaring sumama sa kanya, obligatory pa rin po ba sa kanya ang Hajj? Or hindi pa po maituturing na kumpleto ang kanyang kakayahan hangga’t wala siyang mahram na makakasama sa paglalakbay?

━━

https://t.me/KasagutanAtAral/927
⁉️ KAILANGAN BANG MAGPAALAM NG BABAE SA KANYANG ASAWA BAGO LUMABAS? ⁉️

1️⃣8️⃣8️⃣ May nagpapatanong lang po sana kung totoo po bang ang babaeng may asawa ay kailangang magpaalam palagi sa kanyang asawa bago lumabas. Maaari ninyo rin po ba akong bigyan ng dalīl?

━━

Mula sa mga katibayang binanggit ng mga ʿulamāʾ tungkol sa hindi paglabas ng isang babae mula sa bahay nang walang pahintulot ng kanyang asawa ay ang mga sumusunod:

1️⃣ Isinalaysay nina Imām al-Bukhārī (865) at Imām Muslim (442) sa kanilang Ṣaḥīḥ, mula kay Ibn ʿUmar رضي الله عنهما, na sinabi ng Sugo ng Allāh ﷺ:

«إِذَا اسْتَأْذَنَكُمْ نِسَاؤُكُمْ بِاللَّيْلِ إِلَى الْمَسْجِدِ فَأْذَنُوا لَهُنَّ».

“Kapag nagpaalam sa inyo ang inyong mga asawa na pumunta sa Masjid sa gabi, pahintulutan ninyo sila.”

🔎 Ito ang isa sa mga katibayan na binanggit ng mga ʿulamāʾ. Dahil sinabi ng Propeta ﷺ na “kapag nagpaalam,” mauunawaan natin dito na ang aṣl, o pangkalahatang tuntunin, ay hindi dapat lumabas ang babae nang walang pahintulot ng kanyang asawa.

━━

2️⃣ At sinabi ni Ibn Rajab رحمه الله sa Fatḥ al-Bārī (8/53):

«وَلَا نَعْلَمُ خِلَافًا بَيْنَ الْعُلَمَاءِ: أَنَّ الْمَرْأَةَ لَا تَخْرُجُ إِلَى الْمَسْجِدِ إِلَّا بِإِذْنِ زَوْجِهَا».

“Wala kaming nalalamang khilāf (pagkakaiba ng opinyon) sa pagitan ng mga ʿulamāʾ na ang isang babae ay hindi dapat lalabas papunta sa Masjid maliban sa pahintulot ng kanyang asawa.”

🔎 Kaya, kung kailangan ng isang babae ang pahintulot ng kanyang asawa kahit sa pagpunta sa Masjid upang magsagawa ng ʿibādah, tulad ng Ṣalāh, ano pa kaya kung pupunta siya sa ibang mga lugar?

━━

3️⃣ At mula rin sa mga katibayan na binanggit nila ay ang pangyayari ng al-Ifk. Isinalaysay nina Imām al-Bukhārī (4141) at Imām Muslim (2770) sa kanilang Ṣaḥīḥ, mula kay ʿĀʾishah رضي الله عنها, na sinabi niya sa Propeta ﷺ:

«أَتَأْذَنُ لِي أَنْ آتِيَ أَبَوَيَّ؟».

“Pahihintulutan mo ba akong pumunta sa aking mga magulang?”

🔎 Dito, nagpaalam din si ʿĀʾishah رضي الله عنها upang bisitahin ang kanyang mga magulang. At kabilang ito sa mga katibayan na kahit sa pagbisita sa mga magulang, hindi dapat lalabas ang isang babae nang walang pahintulot ng kanyang asawa.

━━

4️⃣ At sa Muṣannaf ni Ibn Abī Shaybah (20,054), binanggit ang athar (salaysay) mula kay Ibn ʿUmar رضي الله عنهما na nagsabi:

«إِذَا طَلَّقَ الرَّجُلُ امْرَأَتَهُ تَطْلِيقَةً أَوْ تَطْلِيقَتَيْنِ لَمْ تَخْرُجْ مِنْ بَيْتِهِ إِلَّا بِإِذْنِهِ».

“Kapag diniborsiyo ng isang lalaki ang kanyang asawa nang isa o dalawang ṭalāq, hindi dapat siya lalabas mula sa bahay ng kanyang asawa maliban sa pahintulot nito.”

🔎 At kung ito ang kalagayan ng isang babaeng nasa ʿiddah matapos siyang diborsiyuhin ng kanyang asawa, ano pa kaya sa isang babaeng hindi pa diniborsiyo ng kanyang asawa?


━━━━━━━━━━━━━━

✍️ Sinagot ni: Abū Mulaykah Ṭāhir bin Manṣūr
🗓 22 Jumādā al-Ūlā 1448H | 2 Nobyembre 2026
⁉️ KAILANGAN BANG MAGPAALAM NG BABAE SA KANYANG ASAWA BAGO LUMABAS? ⁉️

1️⃣8️⃣8️⃣ May nagpapatanong lang po sana kung totoo po bang ang babaeng may asawa ay kailangang magpaalam palagi sa kanyang asawa bago lumabas. Maaari ninyo rin po ba akong bigyan ng dalīl?

━━

https://t.me/KasagutanAtAral/929
👍1
This media is not supported in your browser
VIEW IN TELEGRAM
1️⃣ Puwede Bang Magbigay ng Suhol Para Makuha ang Sariling Karapatan? | Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī

❓ Ano ang hatol sa pagbibigay ng pera upang makuha ang sariling karapatan na hindi makuha maliban sa pamamagitan nito?

Ipinaliliwanag ni Shaykh Dr. ʿArafāt al-Muḥammadī ang pagkakaiba ng pagbibigay ng pera upang makuha ang isang lehitimong karapatan at ng suhol na ginagamit upang ipawalang-bisa ang karapatan o maisakatuparan ang mali.

🎙 Shaykh Dr. ʿArafāt al-Muḥammadī حفظه الله
📚 Mula sa Dawrah Imām Ibn Sīrīn sa Pilipinas
📝 Isinalin ni: Abū Eilāf Aljedh Lucaberte

https://youtube.com/shorts/0SiXhRrtHa0
Media is too big
VIEW IN TELEGRAM
2️⃣ Puwede Bang Ipaaral ang mga Anak sa mga Paaralang Kristiyano? | Shaykh ʿArafāt al-Muḥammadī

❓ Puwede bang ipaaral ang mga anak sa mga paaralang Kristiyano, samantalang may mga paaralang Islamiko na kinikilala ng pamahalaan?

Ipinaliliwanag ni Shaykh Dr. ʿArafāt al-Muḥammadī ang kahalagahan ng pangangalaga sa ʿaqīdah at asal ng mga anak, at ang tungkulin ng mga magulang sa pagpili ng paaralan at pagtuturo sa tahanan.

📚 Mula sa Dawrah Imām Ibn Sīrīn sa Davao City, Pilipinas

https://youtube.com/shorts/FxaL2i67dGk
✈️𝗦𝗮 𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗱𝗮𝗱 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵̣𝗿𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗲 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶?✈️

❶ Sinabi ni Shaykh Ibn Bāz رحمه الله:

«أدنى سن يكون به الرجل محرمًا للمرأة هو البلوغ، وهو إكمال خمسة عشر سنة، أو إنزال المني بشهوة، أو إنبات الشعر الخشن حول الفرج ويسمى العانة.»

“Ang pinakamababang edad na kinakailangan sa isang lalaki upang maging Maḥram ng isang babae (sa paglalakbay) ay ang al-Bulūgh (pagbibinata).

Ito ay sa pagkumpleto ng 15 taong gulang (ayon sa kalendaryong Hijrī), o paglabas ng similya dahil sa pagnanasa, o pagtubo ng mkapal ana buhok sa paligid ng pribadong bahagi, na tinatawag na al-ʿĀnah.”

📚 Majmūʿ Fatāwā Ibn Bāz, 16/382.

━━

❷ Sinabi ni Shaykh Ibn ʿUthaymīn:

«المحرم ذكر العلماء أنه لا بد فيه من شرطين: البلوغ والعقل، وأن من دون البلوغ لا يصح أن يكون محرماً، ومن ليس بعاقل لا يصح أن يكون محرماً؛ لأن المقصود بالمحرم هو حماية الزوجة وصيانتها ومنع الاعتداء عليها، والصغار لا يقومون بهذا.»

“Binanggit ng mga iskolar na kinakailangang matugunan ng isang Maḥram ang dalawang kondisyon: al-Bulūgh (pagbibinata) at al-ʿAql (pagiging nasa tamang pag-iisip).

Ang sinumang hindi pa umabot sa pagbibinata ay hindi maaaring maging Maḥram (sa paglalakbay). Gayundin, ang sinumang wala sa tamang pag-iisip ay hindi maaaring maging Maḥram.

Sapagkat ang layunin ng pagkakaroon ng Maḥram ay ang pagprotekta sa asawang babae, pangangalaga sa kaniya, at pagpigil sa anumang pananakit laban sa kaniya. At hindi ito kayang gampanan ng mga bata.”

📚Al-Liqāʾ ash-Shahrī, no. 47.

━━━━━━━━━━━━━━

✍️ Isinalin ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor
🗓 25 Jumādā al-Ūlā 1448H | 05 Nobyembre 2026
✈️𝗦𝗮 𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗱𝗮𝗱 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵̣𝗿𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗲 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶?✈️

https://t.me/KasagutanAtAral/933